Tinatayang nasa 10,000 residente ng Metro Manila ang nagpahayag ng kagustuhang mag-avail sa “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.
Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada, Jr., simula nang ilunsad ang programa noong May 6, ay 10,000 na ang nakapag-enroll.
Ang mga online applicant ay sasailalim sa validation at aalamin din kung anong uri ng livelihood ang nais nila pagbalik ng lalawigan.