top of page
Search
Lolet Abania

Tips para mapanatiling maganda ang buhok kahit tag-init


No Problem

Sa nararanasan natin ngayon, lahat tayo ay abala sa ating ikabubuhay. Hindi natin namamalayan na humahaba na pala ang ating mga kuko sa paa at kamay at ang ating buhok.

Para sa kalalakihan, madali lang solusyunan ang paghaba ng kanilang buhok dahil kahit walang barbero ay puwede silang makapagpagupit ng buhok, pero sa kababaihan, kailangan ng hairstylist para gumupit ng kanilang buhok. Subalit dahil sa lockdown, tiis-tiis muna na sa paghaba nito, kaya naman narito ang ilang tips para manatiling maganda ang long hair ngayong tag-init:

1. Iwasang i-overwash ang buhok. Sa tuwing maliligo, iwasan na ibabad ang buhok sa tubig at shampoo. Ang mga hair strands ay numinipis at madaling napuputol dahil nawawala ang natural oil nito kapag nasosobrahan o nakababad sa tubig at magiging dry ito.

2. Gumamit ng conditioner. Kahit nagtataglay ka ng oily hair, mas magandang gumagamit pa rin ng conditioner sa tuwing maliligo dahil nagiging makintab, tuwid at mabango ang buhok lalo na na ngayong summer.

3. Protektahan ang buhok sa init ng araw. Kung lalabas ng bahay at tirik ang araw, ugaliing magpayong dahil nagiging dry ang buhok at nawawala ang ganda nito. Nanunuyot ang mga strand sat naglalaho ang natural oil.

4. Bawasan ang heat-styling. Bawasan ang paggamit ng blower, hair iron, hair dryer at iba pa sa buhok. Hayaan na matuyo nang kusa ang buhok pagkatapos maligo, para manatili ang sariling ganda at ayos nito.

5. Kumain ng prutas at gulay. Ugaliin ang pagkain ng prutas at gulay dahil nakapagpapaganda ito ng kutis at buhok. Nagbibigay din ito ng sustansiya na kailangan ng katawan para maging malusog.

Habang nasa bahay lang tayo at naghihintay na matapos ang lockdown, kailangang maging maayos at malusog ang ating pangangatawan, kasama na rito ang pagkakaroon ng magandang buhok dahil ito ang sumasalamin sa kalinisan ng isang tao. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page