Mayo 16 hanggang 31 ay iiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila gayundin sa Laguna at Cebu City.
Alinsunod sa mga panuntunang ipinalabas ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases, narito ang ipinagkaiba ng enhanced community quarantine (ECQ) sa MECQ:
ECQ
Hindi pinapayagan ang paglabas ng tao, kahit ano pa ang edad at kondisyon ng kalusugan
Limitado ang economic activity maliban sa pagbili ng pagkain, tubig at iba pang utilities at ng critical economic sector
Walang transportasyon maliban sa utility services
Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
MECQ
Limitado ang galaw ng mga tao sa containment zone para makakuha ng essential services at makapagtrabaho
Papayagan na ang operasyon ng manufacturing at processing plants ng hanggang 50 porsiyento ng mga tauhan o empleyado
Limitado ang paghahatid ng essential goods at serbisyo
Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
GCQ
Limitado ang galaw ng mga serbisyo at trabaho sa loob ng GCQ at modified GCQ areas
Papayagan ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno at mga industriya ng hanggang 75 porsiyento ng workforce
Limitadong paghahatid ng serbisyo para masuportahan ang gobyerno at pribadong operasyon
Flexible ang learning arrangements, papayagan ang pasok sa eskuwela sa limitadong kapasidad