top of page
Search
Mylene Alfonso​

Mga nasa ilalim ng GCQ, huwag pasaway — P-Digong


Nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag balewalain ang mga health safety protocols sa mga lugar na naka-general community quarantine na at sa iba pa na isasailalim na rin sa GCQ.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagsusuot ng face mask at social distancing ay magiging bahagi na ng new normal hanga't wala pang gamot at bakuna na natutuklasan kontra COVID-19. Giit ng Pangulo, mahirap magkaroon ng panibagong wave ng COVID-19 kapag bahagyang luwagan ang mga restriction sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ.

"Dahan-dahan lang para hindi tayo madapa because we cannot afford a second or third wave na mangyari. Ito 'yung mga bago na mahawa na naman at rarami na naman dahil meron tayong rules na hindi sinunod," ani Pangulong Duterte sa public address.

Hindi umano nangangahulugan na kapag niluwagan na ang mga restrictions ay wala ng banta sa COVID-19.

Nilinaw din ng Punong Ehekutibo na ang mga lalabas na walang mask ay sisitahin ng pulis subalit, hindi naman ito huhulihin.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page