top of page
Search
Erlinda Rapadas

Kung totoong concerned daw, kesa magtatalak... Coco, hinamon ng netizens na bigyan ng ayuda ang mga


Erlinda Rapadas / Teka Nga

May hamon (at mabigat na challenge) ang mga netizens kay Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay na sobrang nagpakita ng galit nang magsara ang ABS-CBN. Kung totoo raw sa loob ng aktor ang pakikisimpatya sa libu-libong empleyado ng Dos na nawalan ng trabaho dahil sa biglaang pagsasara ng Kapamilya Network, abonohan at bigyan daw niya ng ayudang bigas, groceries at kahit konting cash assistance ang mga ito lalung-lalo na ang maliliit na talents na kasama sa serye niyang Ang Probinsyano.

Sila talaga ang nakakaawa ngayong naka-lockdown ang ilang lugar sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic. Sila ang literal na "no work, no pay" dahil per day ang kanilang trabaho sa teyping.

'Di bale na ang malalaking cast ng Ang Probinsyano dahil may naisubi naman ang mga ito at hindi makakaranas ng gutom tulad nina Ms. Susan Roces, Yassi Pressman, Lorna Tolentino, Rowell Santiago, Tirso Cruz III, Michael De Mesa atbp..

Kapag nagawa ni Coco na mag-share sa mga maliliit na movie workers, bayani talaga siya.

♥♥♥

Herbert, out sa showbiz, Army na

Isang simpleng lunch with his family (Tates Gana and their two kids, Athena and Harvey) ang naging selebrasyon ng 52nd birthday ni former QC Mayor Herbert M. Bautista na nagdiwang ng kanyang kaarawan ngayong May 12.

Pero siyempre, hindi siya nakalimutang batiin ng kanyang mga dating staff sa City Hall, mga malalapit na kaibigan, pamilya, kamag-anak, mga kasamahang artista at ganoon din ng mga kaibigang entertainment press.

Maging ang mga kapwa niya reservist sa Army ay nagpaabot din ng pagbati kay dating QC Mayor Bistek. Ang mga residente ng iba't ibang distrito ng Kyusi ay nagpaabot din ng pagbati kay Bistek.

Isang army reservist si Herbert na may ranggong Brig. General at ngayon ay nasa active duty na at tumutulong sa panahon ng COVID pandemic.

Nanghihinayang naman ang kanyang mga fans dahil natigil pansamantala ang serye nina Liza Soberano at Enrique Gil kung saan may special role si Bistek kasama ang younger brother na si Councilor Hero Bautista.

May guest role rin sila ni Harlene Bautista sa movie na Fusion na first directorial job ni Hero.

Well, sa gitna ng anumang krisis, tuloy ang buhay para kay Brig. General Herbert na kilalang superhero bilang si "Kumader Bawang".

♥♥♥

May sariling fundraising project si Drew Arellano para makalikom ng kanyang ido-donate sa mga health workers at frontliners.

Para sa kanyang Drew's Closet, nag-solicit si Drew sa mga kapwa niya Kapuso stars ng kanilang pre-loved stuff na puwedeng i-auction o ibenta.

Unang-unang nag-donate ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Kapag para sa charity projects ay laging nangunguna sa pagbibigay si Dingdong. Bukod pa rito ay meron ding ibang charities na tinutulungan si Dingdong at ang misis niyang si Marian Rivera. Sa Drew's Closet, may mga gamit din sila ng kanyang misis na idinoneyt for auction.

Ang kikitain sa project na ito ni Drew ay itutulong nila sa mga taong nangangailangan, ganoon din sa ilang ospital na kapos sa PPEs at medical kits.

Halos lahat ng GMA Artists ay kumikilos ngayon at nagpa-fundraising upang makatulong sa mga taong apektado sa COVID pandemic. Naririyan ang grupo ng Healing Hearts, ng Alalay sa Nanay, Rice Up at maging ang The Clash alumni ay nagsama-sama upang makalikom ng donations.

♥♥♥

Liza, may sumbat kay Ice sa Mother’s Day

Maraming kinilig sa Mother's Day surprise ni Ice Seguerra sa kanyang lady love, ang FDCP chairperson na si Liza Diño.

Special breakfast ang inihanda ni Ice para kay Liza. Siyempre, happy naman si Mother Liza pero may hugot ito na tuwing Mother's Day lamang siya ipinagluluto ng breakfast ni Ice at maghihintay na naman siya ng susunod na Mother's Day.

Pero appreciated naman ni Chairwoman Liza ang effort ng kanyang "Love" na ipagluto siya ng breakfast.

♥♥♥

Max, ayaw manganak sa ospital

Isang registered nurse ang Kapuso actor na si Pancho Magno, ang mister ng Kapuso actress na si Max Collins.

Three months na lang ay isisilang na ni Max ang first baby nila ni Pancho at pinaghahandaan niya ito nang husto.

Nagdesisyon si Max na sa bahay na lang siya manganganak (kung kakayanin niya) with the help and assistance of a midwife at isa pang assistant na may kaalaman sa pagpapaanak.

Pinalalakas ni Max ang kanyang loob upang kayanin niya ang home birth process. Tinitiyak niyang physically fit siya upang kayanin ang panganganak in a natural way.

♥♥♥

Kahit preggy na si Diane Medina, tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga frontliners at sa mga apektado ng COVID pandemic lalo na 'yung mga nasa depressed areas.

Nakikipagtulungan sina Diane at Rodjun sa mga kabataang bumubuo ng Bayanihan PH na ang layunin ay maghatid ng tulong o ayuda sa abot ng kanilang makakaya.

Kahit nasa bahay lang sila dahil sa enhanced community quarantine, tuloy pa rin ang online business ni Diane kung saan nagbebenta siya ng iba't ibang items. Ang kikitain niya rito ay ipantutulong niya sa mga less fortunate na nawalan ng hanapbuhay.

Nag-iingat din naman si Diane para sa kanilang baby ni Rodjun. Hindi niya pinababayaan ang kanyang sarili at sinisiguro niyang malakas at malusog ang kanyang baby.

Samantala, tumutulong din ang mag-asawang Diane at Rodjun sa mga local manufacturers ng Personal Protection Suits (PPEs). 'Yun ay bahagi na rin ng kanilang tulong para i-promote ang mga gawang Pinoy na PPEs na isang necessity sa mga ospital bilang protection sa mga health workers.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page