top of page
Search
Nitz Miralles

Kapamilya Stars, ayaw tumigil sa pagtalak sa pagsasara ng Dos

Nitz Miralles / Bida

Jinggoy, nag-donate ng P100 K sa concert ni Sharon

Nag-post ng pasasalamat si Sharon Cuneta kay Jinggoy Estrada dahil sa P100,000 donation sa Pantawid ng Pag-ibig via Sharon’s online concert last May 10.

“Maraming-maraming salamat po sa aking kaibigan of 40 years, former Senator Jinggoy Estrada sa surprise donation n'yo para sa Pantawid ng Pag-ibig na online concert ko!!! Madami pa ring natutulungan kahit wala sa pulitika. Thank you, Pare ko. Malaking tulong sa kababayan natin itong idinagdag mo!”

Sa naunang post ni Sharon, ibinalitang umabot sa P2,000,977.38 ang total donation na nalikom sa kanyang concert, hindi pa kasama ang donation ni Jinggoy.

Kaya nang may mag-comment na may padding ang ipinost na amount ni Sharon, sinagot niya ito ng "@avengersInfinitywar Ah eh NEVER po ginawa 'yun sa history namin. Dahil 'di naman kailangan. Haha feeling ko gusto mo mag-umpisa ng intriga. Weh. Hahaha.”

Sinagot din ni Sharon ang nag-comment na with that amount, puwede nang ipamahagi sa 11K employees ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho nang magsara ang network.

“@rizalineverdadero At least, nakakatulong kami. 'Di madali mag-concert. Urgent lang ngayon tulungan ang frontliners at mga MAMAMATAY NA SA GUTOM nating mga kababayan kaya ako kumanta nang kumanta at 'di lang humingi. Konting appreciation lang po sana. Or kahit hindi na, tumulong din na lang kayo. Maraming nangangailangan ngayon. Marami ring inilalaan ang sariling buhay para TAYO ANG 'DI MAMATAY.”

Sa nag-comment ng ‘wag ipagyabang ang pagtulong dahil ang mga artista raw, lahat na lang ay ipino-post, sagot ni Sharon, “@teri_tory Eh paano po ako magpa-fundraising na concert na pinaghirapan ko rin naman? Puwede bang secret 'yung concert sa paghingi ng tulong?”

Dalawa lang naman ang nega comments sa concert ni Sharon dahil mas marami pa rin ang natuwa at nagpasalamat sa kanya dahil bukod sa napanood at napakinggan muli siya, marami pa ang nakatulong.

♥♥♥

Masaya at nagpapasalamat sa GMA-7 ang mga supporters ni Rhian Ramos dahil simula sa Monday, May 18, 4 PM, muling mapapanood ang Stairway to Heaven na pinagtambalan nina Rhian at Dingdong Dantes. Sila ang gumanap na Jodi at Cholo sa Philippine version ng K-drama na marami ang pinaiyak.

Ang Stairway to Heaven ang papalit sa time slot ng Onanay na finale week na ngayon at mula nang i-announce ng GMA-7 ang muling pag-ere ng serye, marami na ang excited. 'Yung mga nakapanood na noong 2009 nang una itong umere sa Kapuso Network ay gusto uling mapanood ang adaptation.

Bukod kina Dingdong at Rhian, kasama rin sa cast sina Jean Garcia, Glaiza de Castro, TJ Trinidad, Jestoni Alarcon at Sandy Andolong. Kasama rin sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio as the young Jodi and Cholo and Jake Vargas and Joana Marie Tan as the young Tristan and Eunice (ginampanan nina TJ at Glaiza).

‘Yung nakaka-miss kay Kelly (Rhian) sa Love of My Life, sa Stairway to Heaven n'yo muna panoorin si Rhian at mahusay din siya rito.

♥♥♥

Kapamilya Stars, ayaw tumigil sa pagtalak sa pagsasara ng Dos

May Laban, Kapamilya Live Facebook event ngayong 8 PM (May 12) sina Angel Locsin, Angel Aquino, Angelica Panganiban, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Jaime Fabregas at Jodi Sta. Maria.

Sina Boy Abunda at Bianca Gonzales ang naging moderator ng FB Live na ang closure ng ABS-CBN ang tinalakay.

Naka-post ang announcement na ito sa Instagram (IG) ni John Prats, kaya lang, disabled ang comment box niya, hindi makapag-comment ang mga netizens. May sinabi pa naman si John na “Samahan n'yo kami!”

Kaugnay nito, maganda ang ginawa nina Coco Martin at ibang aktor na lumabas na sa Ang Probinsyano na gawing collage ang photos nila na nasa dibdib ang kamay at ang caption ay “Tough men of Ang Probinsyano.”

Kulang nga lang ang collage dahil marami pang aktor ang lumabas sa Ang Probinsyano na wala sa photo.

♥♥♥

Ika-39th birthday ni Dennis Trillo ngayong May 12 at dahil sa ECQ, hindi sila nakapag-celebrate ni Jennylyn Mercado ng kanyang kaarawan.

Heto ang birthday greetings ni Jennylyn kay Dennis: “I wish you an amazing birthday today and this just might be the most unforgettable one! Happy ‘Quarantine’ Birthday, @dennistrillo I love you!”

Sa May 15, birthday naman ni Jennylyn. She’s turning 33 years old at hintayin natin ang birthday message ni Dennis sa kanya.

Dahil sa COVID-19 at ECQ, natigil ang airing ng Descendants of the Sun nina Jennylyn at Dingdong Dantes at naurong ang airing ng Legal Wives ni Dennis.

Ipag-pray natin na umalis na ang COVID-19 na ang dami nang naapektuhan.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page