top of page
Search
Lolet Abania

Hindi lang sa may edad na.. COVID-19, delikado din sa mga bata, umaatake sa puso, bato at iba pang i


Ipinahayag kamakailan ni New York Gov. Andrew Cuomo (D) ang tungkol sa tatlong bata na namatay at 73 iba pa na may malubhang sakit na sinasabing inflammatory disease at iniuugnay sa Covid-19. Ang sakit na tinawag na pediatric multisystem inflammatory syndrome, ay may sintomas tulad ng toxic shock o Kawasaki disease.

Dalawa sa mga bata na namatay ay nasa edad elementarya, at adolescent naman ang ikatlo.

Nagmula ang tatlong bata sa iba't ibang counties at walang maituturing na health issues doon, ayon kay New York health commissioner Dr. Howard Zucker. Sa ngayon, may mga naireport na ring ganitong kaso sa iba pang mga states.

Noong nakaraang linggo, nagbabala na ang New York City health officials tungkol dito, subalit inalerto lamang ang mga health providers noong May 1, matapos ang ibinigay na report ng Britain, ayon sa The New York Times.

Samantala, ang mga sintomas ng sakit ay prolonged high fever o matagal na pagkakaroon ng mataas na lagnat, racing hearts mabilis at abnormal na tibok ng puso, rash o pantal-pantal, severe abdominal pain o matinding sakit ng tiyan.

Ayon kay Dr. David Reich, presidente ng Mount Sinai Hospital sa Manhattan, may limang kaso na ginagamot sa kanyang ospital na nagsimula lamang sa gastrointestinal issues subalit lumala ito dahil sa pagbaba nang husto ng blood pressure, expanded blood pressure, at ang ibang kaso ay heart failure.

"We were all thinking this is a disease that kills old people not kids," sabi ni Dr. Reich, na sinang-ayunan din ni Cuomo.

Gayundin, hindi lamang mga bata ang lumalaban sa sakit na arterial inflammation. Sa katunayan, ang virus na pinaniniwalaang pangunahing sinisira ang lungs, katulad ng covid-19 ay "attacks the heart, weakening its muscles and disrupting its critical rhythm," ayon sa report ng Post.

Matinding winawasak ng virus ang kidneys na halos ang ibang ospital doon ay kinakapos na ng dialysis equipment. Gumagapang ito sa nervous system, sinisira ang panlasa at pang-amoy at kung minsan umaabot na sa utak. Nagdudulot din ng blood clots na maaaring pumatay sa atin nang biglaan. "It savages kidneys so badly some hospitals have run short of dialysis equipment. It crawls along the nervous system, destroying taste and smell and occasionally reaching the brain. It creates blood clots that can kill with sudden efficiency,"ayon sa report.

Gayunman, maraming scientist ngayon ang naniniwalang ang coronavirus na tumama sa isang tao ay maninira sa loob ng katawan sa pamamagitan ng pag-atake sa blood vessels, maaaring sa endothelial cells na konektado sa blood vessels, at ang "cytokine storms", kung saan ang immune system ay papalya o panghihinain nang husto.

"Our hypothesis is that covid-19 begins as respiratory virus and kills as a cardiovascular virus," sabi ni Dr. Mandeep Mehra ng Harvard Medical School.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page