Photo File: Sen. Bong Go
Natapos ang 45 minutong public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nang hindi natalakay kung anong naaprubahang rekomendasyon sa umiiral na enhanced community quarantine.
Gayunman, binanggit ng Pangulo na ang pagpapagaan sa restrictions ay hindi nangangahulugang nasawata na ng Pilipinas ang Coronavirus Disease 2019.
“For those who will be allowed to go out, at for those na hindi pa talaga puwede, remember na itong ‘pag ease up ng restrictions, hindi iyan ibig sabihin na wala na ang COVID,” ayon sa Pangulo.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force (IATF) na tiyaking mauunawaan ng mga ordinaryong indibidwal ang mga kategorya ng mga papayagan na at hindi pa papayagang lumabas-labas.
Si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque aniya ang maglalatag sa publiko ng mga napagkasunduan at gagamitin niya ang PTV-4 para ilahad ito.