top of page
Search
Lolet Abania

Dahil ‘di na ‘to mawawala sa pang-araw-araw na pamumuhay... Alamin: Iba’t ibang uri ng facemask


Matapos man ang quarantine, siguradong iba na ang magiging style natin tuwing lalabas ng bahay. Ang dating nakagawian na paglalagay ng makeup ay may kasama nang facemask. Kinakailangan natin ito bilang proteksiyon sa anumang banta ng virus na maaari nating makuha sa lahat ng ating makakasalamuha. Kaya naman, narito ang facemasks na maar nating gamitin sa mga susunod na araw:

1. Homemade cloth facemask. Magandang isuot ito kapag balik-trabaho na tayo, para kahit nasa public places tayo ay mayroon tayong pantakip sa ating mukha kung may makausap man tayo na maaring umubo o bumahing at kahit nagsasalita lamang. Proteksiyon natin ito sa lahat ng makakasalamuha natin. Kinakailangan lamang na nilalabhan natin ito pagkatapos gamitin para maalis ang anumang dumi na maaaring may dalang virus. Marami na itong style at design na nakakatuwang tingnan.

2. Surgical masks. Mainam din itong gamitin na pantakip sa ating bibig, ilong at mukha. Napoprotektahan tayo nito sa mga sprays, splash ng tubig at malalaking droplets na maaaring tumalsik sa ating mukha. May iba-iba itong design at kulay, may elastic band din ito at looped para sa tenga o puwede ring itali sa ulo. Hindi tulad ng homemade cloth facemask, pagkatapos gamitin nito ay dapat na itapon agad.

3. N95 respirator. Medyo mahal ang presyo ng facemask na ito dahil mayroon itong maliit na respirator. Kaya ng respirator na ma-filter out ang maliliit na particles, na maaaring may bacteria at virus. Circular o oval ang shape ang disenyo nito para maselyuhan nang husto ang ating mukha at may elastic bands din ito. Ang ibang klase nito ay may naka-attach na exhalation valve, na makakatulong sa paghinga. Ang N95 ay may iba’t ibang sizes, kaya piliin ang sakto sa ating mukha, na dapat ay tight seal.

4. Rewear face mask. Isang water-repellent textile finishing, na dinibelop ng DOST-PTRI, specialized cloth mask ito na nagbibigay-proteksiyon mula sa particulate matter (PM) o microscopic particles na nasa hangin. Gawa sa cotton cloth mask, na kayang mag-absorb ng liquid droplets. Nilagyan ito ng silane compounds, na binuo para maging nanosol or solution na isasama sa natural-fiber textile tulad ng cotton fabrics. Kapag ginamit na ang water-repellent finishing, ang liquid droplets ay mag-slide down lamang sa REwear face mask na ito. Ang facemask na ito ay reusable din ng kahit 50 beses at gawa sa two-piece, three at four-layer mask. Marami na ring isinagawang test para sa toxicity, bacterial filtration at iba pa. Ang facemask na ito ay nababagay sa mga health workers na nag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19.

Sa lahat ng oras, kailangan nating maging maingat. Walang nakaaalam kung kailan matatapos ang pandemic na ito, kaya hindi dapat tayo nagpapabaya at nagsasawalang-bahala.

Ang pagsusuot ng facemask ay ipinatutupad na ng ating gobyerno kaya nararapat natin itong sundin at bilang proteksiyon na rin laban sa sakit na coronavirus. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page