top of page
Search
Vinia Vivar

Binash ng netizens dahil sa wow mali sa 'classroom' post... Kim, ipinagtanggol nina Xian, Bo


Ipinagtanggol ni Xian Lim ang girlfriend niyang si Kim Chiu sa gitna ng mga pambabatikos na dinaranas ngayon ng aktres.

Umani nang katakut-takot na pamba-bash si Kim dahil na rin sa mga naging pahayag niya sa nakaraang Laban Kapamilya Facebook Live event ng ABS-CBN.

Ginawang katatawanan ng marami ang kanyang “classroom” statement at kung anu-anong panlalait ang natanggap ng aktres.

Kahapon ay nag-post si Xian ng black screen, tanda na labis siyang nalulungkot sa sunud-sunod na pangyayari lately kabilang na nga ang pamba-bash kay Kim.

Sinimulan ni Xian ang caption niya sa malungkot na pangyayaring nasa 11 thousand na ang COVID cases ngayon sa 'Pinas at ang pag-o-off-air ng ABS-CBN last May 5.

“Here's my two cents on everything that's happening right now.

“We hit the 11K+ mark of positive cases in our country. People are STILL getting sick and dying all over the world. 5th of May, ABS-CBN went dark under the orders of the government.

“Now, I am not here to give my opinion on who I think is right or wrong. I do not have the educational background in this field or enough facts to support any claims but what I do have is my observation on what our society has become,” simulang pahayag ni Xian.

“Amidst the pandemic, people are throwing hurtful words back and forth hoping that an issue will be resolved through insults, rage, hate, fake news, etc..

“With all the second-hand information going around, it turned us all into critics and so-called experts. No need to say much about that,” he continued.

Pagkatapos nito ay in-address na ni Xian ang tungkol sa pambabatikos na nararanasan ni Kim ngayon at ipinagtanggol ang girlfriend niya.

“A few days ago, a couple of artists went live on social media and received numerous amount of hate. Let me say this. It takes a whole lot of guts to face millions of people and fight for what you truly believe in. Most people won't even have that opportunity in their lifetime.

“Kim does not deserve to be singled out and get all the hate she is getting from people in the internet. She is a smart, empathetic person who deeply cares for all the people around her. She cares so much that it scares me..

“We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again. My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being,” ani Xian.

Sa huli ay nakiusap ang aktor na tigilan na ang paninira at magtulungan na lang.

“Lastly, tigilan na natin ang paninira sa kapwa dahil hindi ito nakakatulong sa sitwasyon ngayon. Tulungan na lang natin ang isa't isa sa kahit anong paraan at tigilan na ang paninisi at paninira kay ganito't ganyan. Hindi perpekto ang sistema. Hindi perpekto ang mundo.

“We have little time in our hands. It's really a matter of asking yourself how well you want to be remembered when your time is up,” pagtatapos ni Xian.

Bukod sa aktor ay nagbigay din ng kanilang magagandang pahayag about Kim ang mga co-stars niya sa Love Thy Woman na sina Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla at ipinost din sa kani-kanilang Instagram account.

♥♥♥

Kyline, ipinagsigawang nami-miss na si Yasser

Dahil sa umiiral na community quarantine bunsod ng banta ng COVID-19, nag-break muna simula noong Marso ang taping ng GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit, kaya aminado ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na sobra na niyang nami-miss ang kanyang karakter sa programa na si Maggie.

“Ang hirap kasing gumawa ng character, 'yung mannerisms. Kumbaga, 'pag may nakalimutan akong isang mannerism sa character ko, hindi 'yun magiging si Maggie. Sinasanay ko pa rin 'yung sarili ko bilang Maggie every now and then kasi mabilis talaga akong makalimot ng character,” kuwento ni Kyline.

Dagdag pa niya, nami-miss na rin niya ang iba pang cast ng serye, lalung-lalo na ang love interest ni Maggie na si Jun, na ginagampanan ni Yasser Marta.

“Noong time na natigil 'yung Bilangin, 'yun pa lang 'yung time na nagiging close ako sa cast, not just with the cast but with the crew,” saad ni Kyline.

“Nami-miss ko talaga 'yung kulitan namin ng Art Dept.. Nami-miss ko si Maggie, nami-miss ko 'yung kakulitan ni Maggie. Nami-miss ni Maggie si Jun. Nami-miss ni Maggie ang lahat.”

Para sa mga nakaka-miss din sa programa, mapapanood pa rin ang full catch-up episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.

Sa ngayon, ang Korean drama na Strong Girl Bong Soon muna ang pansamantalang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page