Ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa Kongreso na nasa 1.26 million na mga empleyado ng small businesses ang nakatanggap ng cash assistance sa ilalim ng COVID-19 emergency subsidy program.
Sa kanyang weekly report, sinabi ni Pangulong Duterte na nasa P10.1 billion na cash grants ang nailabas na ng Social Security System (SSS) sa 1,261,044 mula sa target na 3.4 million beneficiaries as of May 6.
Batay sa datos ng gobyerno, nasa 101,400 empleyado ang nagsumite ng aplikasyon at nasa 2.2 million empleyado ang nakitang lehitimo para sa subsidy program as of May 7.
Ang financial assistance ay nasa P5,000 hanggang P8,000 per tranche para sa bawat benepisyaryo, depende sa minimum wage levels sa kani-kanilang rehiyon.
Ang payout schedule para sa first tranche ay mula May 1 hanggang May 15, habang ang second tranche ay mula May 16 hanggang 31.
Ang weekly report ay bahagi ng check and balance sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay sa pangulo ng karagdagang kapangyarihan na i-realign ang 2020 national budget.