top of page
Search
Ronalyn Seminiano Reonico

Todo-post tungkol sa pagmamahal ng ina, Mommy Divine… Sarah, pinagpipiyestahang buntis


Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Lahat halos ng mga celebrities ay nag-post ng kani-kanyang greetings para sa magigiting nilang ina kahapon dahil sa Mother’s Day, ngunit ang tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na hinahangaan ng napakarami dahil hindi lamang magaling umarte, mahusay ding sumayaw at lalo na sa pagkanta ay tahimik lamang nu’ng mismong Araw ng mga Nanay.

We all know naman na may issue ang mag-inang Sarah at Mommy Divine dahil sa lihim na pagpapakasal ng magaling na singer-actress kay Matteo Guidicelli.

Pero kahapon, May 11, simpleng quotation photo ang kanyang ipinost na “A mother’s love for her child is like nothing else in the world.”

Nakakaintriga naman ang naging komento ng netizen na: “Don’t have his baby. Find yourself a better husband.”

Sinang-ayunan ito ng isa pang netizen. Aniya, “I agree with you. Because when you love someone deeply, ‘di mo hahayaang masira ang pamilya n’ya dahil sa ‘yo. Sana, hinintay mo ang panahon na pumayag at magbigay ng blessings ang parents niya. Tingnan mo sina @celestinegonzaga at Direk @paulsoriano1017, they waited until finally matanggap sila ng parents ni Toni (according sa interview kay Toni) kasi dati ayaw ni Mommy Pinty kay Direk Paul. Look at them now, they are happy kasi may blessings ang both parents. Nakaka-sad idol ko pa naman kayong dalawa kasi very low key ang relationship n’yo.”

“True! Hindi mo kakalabanin ang parents ng asawa mo.. as much as possible, hindi ka mag-e-entertain ng any interviews for publicity kasi you respect your wife.”

Samantala, may mga netizens naman na nag-isip na baka may ibang gustong sabihin si Sarah through that simple photo.

Anila, “Sarahhh, are you saying….. Uhmmm, did we miss to greet you yesterday??”

“Are you expecting?! If yes, wow, congratulations! Just be positive and be happy!”

“Juntis waks? Happy for you both @justsarahgph and @matteog.”

“Congratulations Sarah and Matt! Can’t wait for the Little Pop Star Prince/Princess.”

Anyway, sana nga ay magkaayos na sina Sarah at Mommy Divine at kung sakaling tama ang espekulasyon ng ibang netizens, congratulations sa kanila ni Matteo!

***

Kasabay ng birthday ng aktor…

NADINE, NAG-POST NG PICTURE NILA NI JAMES KAHIT BREAK NA

Trending sina James Reid at Nadine Lustre sa Twitter. Kaarawan kasi ni James kahapon, May 11 kaya naman bumuhos ang mga pagbati ng kanyang fans.

Samantala, matatandaang kasabay ng pagpasok ng taong 2020 ay umugong ang balitang break na sina James at Nadine na kinumpirma rin naman ng dalawa. Pero kasunod nito ay naglabasan pa rin ang mga larawang magkasama silang dalawa kaya hindi rin naniwala ang mga solid JaDine fans sa

naturang balita.

Sa 27th birthday ni James, tahimik lang ang aktor sa social media. Pero pinagpiyestahan naman ng mga JaDine fans ang ipinost ni Nadine na piktyur nila together na naka-tag pa kay James. Makikita sa larawan na magkatabi sila ni James at parehong nakatalikod.

Since naka-private ang comments section sa naturang post ni Nadine, hindi makapagkomento ang iba sa kanilang mga fans kaya sa Twitter nagwala ang mga ito.

Sey ng mga netizens sa naturang IG post ni Nadine: “No need for words, alam na ni James ‘yun.

Charot! Hahahahaha. Happy birthday James! Saya ka ba?? Happy JamesReid Day.”

“It's different and endearing when Nadine takes pictures of James. No one can capture James the way she does, literally and figuratively.”

“No words. Just pure happiness. Nadine’s b-day greetings to James. I love their relationship and the friendship. Solid. Remember always.”

Happy birthday, James!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page