BEIJING – Dahil sa maraming eskuwelahan ang nagbukas na ng klase, ang mga estudyante na pumasok ngayong araw na ito, ay may suot na bagong sporting accessory – isang temperature-monitoring bracelets.
Ipinasusuot sa bawat estudyante ang smart bracelets upang malaman agad ang temperatura ng kanilang katawan. Ang bracelet ay mayroong sensor na kayang imonitor ang tamang body temperature at kung sakaling may abnormal temperature na ma-detect sa isang bata, magpapadala ito ng alert o signal, ayon sa report ng government-run media na Beijing Daily.
Namomonitor ang readings sa bawat devices, ng mga guro mula sa kanilang smartphones, na dapat ay connected via Bluetooth sa isang mobile app. Maaaring i-share ang data sa mga magulang at municipal at district authorities, ayon pa sa report.
Gayundin, nakukuha ng device na ito ang temperature ng estudyante na hindi naman nai-interrupt ang kanyang klase bagkus, natutulungan pa ang bawat isa sa kanila na makapagpokus sa pag-aaral sa klasrum at makapaghanda sa mga darating na exams, ayon din sa Beijing education bureau.
“The bracelet is similar to a normal fitness tracker… We recommend that students wear them 24 hours a day,” sabi ng isang guro sa Beijing Daily.
Isinagawa ang scheme na ito para sa mga final-year high school at middle school students sa limang distrito ng Beijing, ayon pa sa report.