Kapag dumarating ang buwan ng Mayo, ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Nanay. Sa kabila ng lockdown, nararapat na alalahanin natin ang mga ginawa nila para sa atin. ‘Ika nga, lahat ng sakripisyo at pagmamahal ay ibinibigay nila para magkaroon tayo ng magandang buhay. Heto ang maaari nating gawin para mapasaya sila sa panahong ito.
1. Mag-bake ng cake. Ipagluto natin ang ating momshies ng masarap na putahe o kaya ang mga paborito niyang pagkain. Siyempre, dapat may sweets, partikular ang cake. Kahit home-made cake lang ay siguradong magugustuhan na ‘yan ni madir.
2. Home salon. Dahil hindi tayo makalabas ng bahay, ang ating mga nails ay talagang mahaba na. Oras na para i-pedicure at manicure si mudra para gumanda ang kanyang mga kamay at paa. Puwede ring i-conditioner ang hair ni mamu, para maging silky kahit na puti na ang buhok niya.
3. Maglinis nang maigi. Matutuwa nang husto si mommy kapag nakita niyang napakalinis ng bahay. Nawala na ang virus, maayos pa ang buong house niyo. Kahit na ang garden puwedeng ring pagandahin.
4. Gumawa ng card. Dahil sarado pa ang mga bookstore, mabuting gumawa ng personal card. Gawin mo itong colorful at attractive at siyempre, isulat natin ang magandang mensahe na nagmumula sa ating puso.
Sa anumang paraan, nabibigyan natin ng kasiyahan ang ating mga ina sa tuwing inaalala natin sila. Mula sa hirap ng pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki sa atin at sa pag-aalaga ng mga apo ay nand’yan sila para sa atin. Gets mo?