Nitz Miralles / Bida
Pasabog sa misis ni Ryan…
ANGELICA, IBINULGAR ANG MGA UGALI NI JUDAY
Forty-second birthday ni Judy Ann Santos ngayong May 11 at isa sa may magandang birthday message sa kanya ay ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban.
“Isa sa mga pangarap ko sa buhay ang maging katulad mo. Ka-idol-idol ka, ate. Sa lahat ng aspeto.
Magaling na aktres, mabuting kaibigan, kahanga-hanga pagdating sa pag-aalaga at pagmamahal sa pamilya. Ina, anak, kapatid, asawa, kaibigan. Lahat na lang sinalo mo ate, sana 'wag maubos ang pagmamahal at kabutihan sa puso mo. I love you ate. Happy birthday @officialjuday.”
Hindi nga lang masyadong happy ang birthday ni Judy Ann dahil hindi niya nakapiling ang kanyang ina at mga kapatid dahil sa ECQ.
Dinadala rin nito sa kanyang dibdib ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa maraming naapektuhan.
“Hindi ho ba puwede na magkaisa na muna tayo at magtulungan para malagpasan ang epidemyang ito? Harapin po natin ang tunay na kalaban, hindi po kami ang kalaban, hindi po ninyo kalaban ang ABS-CBN, sa panahong ito, tayong lahat dapat ay magkakampi,” panawagan ni Judy Ann.
***
PAOLO, PROUD DAD SA ANAK NILA NI LJ AT SA PANGANAY NG AKTRES KAY PAULO, DEDMA SA MGA UNANG ANAK KAY LIAN PAZ
Minsan lang magpakaseryoso si Paolo Contis, tuwing Mother’s Day lang, pero may comedy pa rin siyang isiningit.
Ang Mother’s Day message niya kay LJ Reyes ay: “Mahal, @lj_reyes Hindi ka lang basta ilaw ng ating tahanan. Ikaw din ang poste at kuryente! You keep this family together! Dito ko sa lockdown nakita how tough you are! Sa totoo lang, ang goal ko lang sa lockdown na 'to ay maging safe at mabuhay
tayo hanggang matapos 'to! Pero ikaw, you make sure na busog kami lagi, na natututo ang mga bata continuously, na healthy kaming lahat, na maging productive tayo (actually ako, kasi productive ka na talaga)... tapos iniisip mo rin how you can help other mothers in your own simple ways. Walang kapaguran at alam kong happy ka kapag nakakatulong ka! Thank you so much,
Mahal!!! I’m really proud of you and I hope you know how much we appreciate and love you! Happy Mother’s Day, Mahal Ko!
"P.S. Naisip ko lang... dahil sa message ko, parang wala akong silbi sa bahay ha!”
Mabuti at bakasyon yata ang mga bashers sa post na ito ni Paolo dahil walang nag-comment na mabuti pa ang anak nila ni LJ na si Summer at panganay nitong si Aki, mahal at inaalagaan ng aktor, unlike his daughters from his previous relationship with Lian Paz na hindi na raw niya maalala.
Anyway, sayang at natigil pansamantala ang All-Out Sundays dahil sa COVID-19. Sa musical-variety show kasi ng GMA-7, nakita ang pagiging versatile ni Paolo. Umaarte at nakakakanta pala ang aktor at lahat ng genre ng kanta, kaya niya, pati ang pagra-rap. Mabuti at nadiskubre ang singing talent ng aktor, sayang lang at natigil ang weekly niyang pagkanta.
***
Puro “maganda” ang comment sa short film tungkol sa Mother’s Day na directed by Dingdong Dantes na ang concept ay umikot sa poem ni Yan Yuzon titled Maliit Na Bagay narrated by Marian Rivera.
Swak lahat mula sa direksiyon ni Dingdong, tamang timpla ng boses ni Marian at magandang tula ni Yan.
Isama pa ang short but heartwarming and touching caption ni Dingdong sa video na “We made a movie- a short one. It’s about this beautiful woman, who happens to be the mother of my children.”
Sa video, ipinapakita si Marian hindi bilang artista, kundi bilang asawa at ina ng dalawang anak nila ni Dingdong. Si Marian na nagluluto, nag-aalaga ng mga anak, naghuhugas ng pinggan at pinupulot ang mga laruan ng mga anak.
Si Yan din ang sumulat ng tula na Ngingitian Kita na tribute sa mga frontliners at may poem din siya sa pagsasara ng ABS-CBN. Visit his Instagram (IG) account para mabasa n'yo.
May request for more collaboration nina Dingdong, Marian at Yan at mangyayari naman siguro ito!
***
PIOLO SA MGA NETIZENS: ANO'NG PAKI N'YO SA PUTING BUHOK KO!
Bagay kay Piolo Pascual ang salt and pepper hair. Gusto nga ng mga fans nito, hindi na siya mag-dye ng hair at ipakita na lang ang mga puti niyang buhok.
Ikinukumpara siya ng kanyang mga supporters sa Hollywood actors na sina George Clooney at Richard Gere na lalong gumuwapo with their salt and pepper hair.
Sa isang post with him na puti ang buhok, ang sabi ni Piolo, “Ano’ng paki mo sa white hair ko.”
Ang comment ng mga fans, guwapo pa rin siya kahit puti na ang buhok na totoo naman.
Samantala, hindi man nagsasalita sa closure ng ABS-CBN, nauna nang nagpahayag ng lungkot si Piolo sa nangyari.
Aniya, “As I was watching closely and with disbelief, tears flowed and my heart just felt the pain... and then I heard the words ‘now signing off’ then it went black... wasn’t able to move for a few seconds... I have nothing but prayers for a positive outcome for this hurdle... and as always we’ll get through this together... let’s continue praying for each other and for ABS to return to broadcasting asap...”