Katanungan
May naiinggit sa akin sa aming opisina at siniraan niya ako sa aking manager, hanggang sa nag-away kami dahil siya ang kinampihan ng boss namin at nag-resign na lang ako. Buti na lang, may nakuha akong kaunting pera dahil matagal na ako sa kumpanya at ngayon, balak kong gamitin ang perang hawak ko para magnegsoyo, kaso nagkaroon naman ng COVID-19, kaya hindi natuloy ang plano ko.
Naisipan kong sumngguni sa inyo upang itanong kung ano ang maganda kong gawin? Nagdadalawang-isip akong magnegosyo at sa halip, parang mas gusto kong mamasukan sa ibang kumpanya.
Ano ang dapat kong gawin para gumanda ang aking career at kabuhayan, ang magnegosyo o mamasukan na lang ulit?
Kasagutan
Bagama’t bahagyang huminto ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.), mapapansing ito ay nagbago ng linya o tinatahak na direksyon, ngunit nanatili namang matatag (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kanyang panibagong tinatahak na diresyon sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na tama ang ang iyong pasya na mag-apply sa ibang kumpanya na may kaparehong nature ng trabaho sa inalisan mong kumpanya. Dahil ang nakaguhit sa iyong palad ay malinaw na Career Line (arrow a. at b.), tulad ng naipaliwanag na, ito ay hindi guhit ng negosyo kundi tuluy-tuloy na pagtatrabaho.
Sa walang tigil na pagtatrabaho ka aasenso kaysa ipilit mo agad na magnegosyo nang wala sa tama at eksaktong panahon ng iyong buhay ang nasabing gawain.
Mga Dapat Gawin
Sa buhay natin sa mundong ito, hindi maitatanggi na palaging may takdang panahon sa silong ng langit kung kailan dapat isagawa o ipatupad ang isang gawain o proyekto. Ang tawag dito ay “proper timing” upang matiyak ang pagwawagi at tagumpay.
Tulad ng nasabi na, hindi pa ngayon ang panahon upang ikaw ay magnegosyo, kaya ang dapat mong gawin ay itago muna ang perang nakuha mo sa inyong kumpanya. Hintayin mo ang panahon kung kailan ka dapat magnegosyo at sa sandaling dumating ito, saka mo ilabas ang pera at gamiting puhunan, pero sa ngayon, ‘wag muna. Sa halip, ang nararapat mong gawin pagkatapos ng problema ng mundo sa Covid-19 ay ang mamasukan muli.
Sa sandaling muli kang nagkaroon ng regular na trabaho sa last quarter ng 2020, ang dapat mong namang gawin ay magsinop para makaipon ng dagdag na savings bilang pandagdag sa binabalak mong negosyo na maaaring maganap sa 2025 kung saan isang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing panahon sa edad mong 48 pataas, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong Business Calendar, ito ang tamang panahon upang magnenegosyo at kapag nagawa mo ‘yan, mabilis na madodoble ang iyong kinikita hanggang sa tuluy-tuloy nang lumago ang kabuhayan (Drawing A. at B. N-N arrow c.). Ang susunod na mga pangyayari ay ang napipintong pagyaman sa 2032 sa edad mong 55 pataas (Drawing A. at B. H-H arrow d.).