Germany — Higit na tumaas ang reproduction rate ng coronavirus sa naturang bansa na tinatayang nasa crucial value na 1, na umabot na sa 1.3, ayon sa disease and control center na Robert Koch Institute (RKI).
Bago pa sumapit ang Sabado, ang reproduction rate ng Germany ay mababa sa 1, ayon sa report ng institute.
Subalit, dahil tumaas ang reproduction rate, nangangahulugan lamang ng higit na pagdami ng mga taong infected ng virus (on average) sa buong Germany.
Nangyari ang ganito, matapos na makipagmiting ni Chancellor Angela Merkel sa mga lider ng 16 states sa Germany at mag-anunsiyo ng pagluluwag sa national restrictions noong Miyerkules, ng pagbubukas ng lahat ng shops, gradual reopening ng mga eskuwelahan, gayundin, ang pagpapatuloy ng Bundesliga soccer league, kahit pa walang mga manonood.
Ayon sa RKI, "there is still a degree of uncertainty", dahil sa kaganapang ito, pero ang pagtaas ng reproduction rate "makes it necessary to observe the development very closely over the coming days."
Samantala, naireport na ang Germany ay mayroong mahigit sa 171,000 kaso ng coronavirus, kasama dito ang higit sa 7,500 namatay, ayon sa Johns Hopkins University. (Lolet Abania
Binigyan-diin ng alkalde na kailangang magamit ang partial o buong ayuda sa loob ng 30 araw mula sa pagkakatanggap para manatiling valid.