top of page
Search
V. Reyes​

Hirit ni Cong. Duterte, iba pa sa Kamara... Mga paglabag ng ABS-CBN sa prangkisa, imbestigahan


Inihain sa Kamara ang resolusyon na layong maimbestigahan ng House Committee on Legislative Franchises ang mga posibleng paglabag umano ng ABS-CBN sa prangkisang iginawad ng Kongreso.

Sa House Resolution 853 nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Rep. Abraham Tolentino at Rep. Eric Yap, nais ng mga ito na maungkat ang sinasabing pay-per-view o ang paniningil sa publiko ng ABS-CBN para sa Kapamilya Box Office channel sa pamamagitan ng ABS-CBN TV Plus sa kabila ng

ibinigay ng gobyerno na libreng pag-ere.

“Whereas, ABS-CBN Corp., is operating a pay-per-view channel through free-to-air signals in violation of its legislative franchise. By charging the public with this pay-per-view Kapamilya Box Office (KBO) channel through ABS-CBN TV Plus, it has been gaining huge profits at the expense of the public while using the air frequencies provided by the government for free,” saad ng

resolusyon.

Tinukoy din sa resolusyon na itinuloy ng ABS-CBN ang operasyon ng pay-per-view channel gamit ang free-to-air signals sa kabila ng utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na itigil ito habang wala pang ipinalalabas na mga panuntunan.

Paglabag din umano sa Foreign Investments Act of 1991 ang pagbibigay ng ABS-CBN ng Philippine Depository Receipts sa mga dayuhan.

“Whereas, the resulting foreign equity in ABS-CBN Corp., also violates Republic Act 7042 (Foreign Investments Act of 1991) as amended by RA 8179, Executive Order 184 (Promulgating the Tenth Regular Foreign Investment Negative List) and Presidential Decree 1018 (Limiting the Ownership and Management of Mass Media to Citizens of the Philippines and for Other Purposes)," ayon pa sa resolusyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page