top of page
Search

Hirit ng basher: KC, ayaw magpakatotoo, dinadaya ang katabaan kaya walang makuhang lalaki

Julie Bonifacio

Ipinagtanggol ng misis ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan si KC Concepcion sa isang basher niya sa kanyang Instagram account recently.

Sa ipinost na piktyur ni KC sa kanyang IG account kung saan hawak niya ang suot na mala-snake na gold necklace niya, caption ng Mega Daughter, "Today, my aunt told me, 'This lockdown? It’s so good for you! Of course!!! God wants you all to himself. No man, no maid. You know?' Hahahah, well what can I say, guess I’ll have to take her word for it."

Ang "aunt" pala na tinutukoy ni KC ay walang iba kundi si Angeli na kapatid ni Sen. Francis

"Kiko" Pangilinan na stepdad niya.

Sa comment section kasi, sey ni Angeli, "Hahaha, I love you sweetheart."

Sinagot naman 'to ni KC ng, "Classic quotes."

Pagkatapos ay nag-comment naman ang isang follower ni KC ng, "You made your IG like Tinder, you post old photos and say single then guys would see you look double then he won't show up again.

Guess better to show your real self to find real love."

Instead of KC, si Angeli ang nag-reply sa netizen.

Aniya, "Better if you mind your own business po."

At ang reply pa ni Angeli sa basher ni KC, "Can you go bully someone else. MEAN AND UNKIND YOU ARE."

Sa bandang ibaba naman ay nag-comment ang isa pang celebrity friend ni KC na walang iba kundi ang mister ni Judy Ann Santos na si Ryan Agoncillo.

Sey ni Ryan, "Ganda mo, Baxx!"

Reply ni KC kay Ryan, "Hiyang pala ako KR (Kuya Ryan) sa lockdown."

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na very close ang family ni Mega sa mag-asawang Ryan at Juday.

Pero may isa pang IG follower ni KC ang nag-comment ng… "Selos5 asawa mo."

Hala... inintriga pa nito si Ryan, huh?

***

EEric, nagpagupit ng buhok sa condo, proud na ipinost sa socmed, binash dahil pasaway sa social distancing

Kanina ay sumalang nang live ang aktor-direktor na si Eric Quizon sa Quarantine Chikahan ng celebrity photographer na si Raymond Isaac sa kanyang Facebook page.

Muling nag-apologize si Eric sa publiko, especially sa follower niya sa Quarantine Chikahan na isang nurse, dahil sa ipinost niya sa Instagram account na isang piktyur habang nagpapagupit siya sa loob ng kanyang condominium sa Libis, Quezon City.

Tiniyak ni Eric na in-observe naman nila ng nanggupit sa buhok niya ang social distancing at paghuhugas ng alcohol.

"I had a haircut at home. Apologies. I couldn't resist anymore. Thank you @masterjun_parcerosalon for going out of your way to cut my hair. Embracing my salt and pepper.

#donotfollowmyexample #staysafe #saltandpepper #saltandpepperhair #gupit sa bahay," caption ni Eric sa kanyang ipinost na piktyur.

Sa kabila ng paghingi ni Eric ng paumanhin sa kanyang caption, may nag-react pa rin na netizens sa ginawa niyang pagpapagupit sa kanyang condo.

Sey ng netizen, "6 feet distance, sana 'di mo na dinisplay sa social media, you're violating social distancing."

Post naman ng isang follower ni Eric na nagpakilala pa na isang frontliner (nurse), "Goodmorn po....

Please be careful in posting like this. Others may follow and break the protocol of getting out and going for home service haircut… let's stop the virus to spread. God bless… frontliner nurse here."

Sinang-ayunan pa ito ng isa pang follower ni Eric sa kanyang Instagram, "Yes,... so disappointing.

Sana hindi na nag-post kahit nagpagupit. Tapos sasabihin na 'wag gayahin. Haay.."

Pero meron naman ding nag-comment na gusto ring gayahin si Eric na magpagupit ng buhok sa loob ng bahay.

Sey naman ng celebrity friend ni Eric sa IG na si DJ Durano, "'Yun, oh. Batang-bata@eric_quizon."

Sey naman ng isa pang netizen, "You never change Eric Quizon. You're still handsome. I remember you at the Zu Shangri La Makati. You gave me drinks many times."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page