top of page
Search
Thea Janica Teh

Dalawang programa ng Pag-IBIG Fund, inaalok para sa mga miyembro

Bulgarific

Kamakailan ay inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang dalawa nitong programa na naglalayong mabigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro nitong may loan. Ito ay sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act at ang 3-month moratorium program sa lahat ng loan.

“Kaisa tayo ng administrasyon sa pagbibigay ng ginhawa sa mga miyembro nating naapektuhan ng pandemyang ito. Kaya naman ipinababatid ng ahensiya ang automatic grace period para sa lahat ng loan payment sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act at 3-month moratorium program. Magkaiba ang programang ito ngunit, iisa ang layunin at ito ay para unahin ng mga miyembro ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa pagbabayad ng kanilang mga utang sa ahensiya,” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario na head ng Department of Human Settlements and Urban Development at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Noong nakaraanog linggo, inaprubahan ng ahensiya ang automatic grace period ng lahat ng loan ng halos 4.77 milyong miyembro nito. Ito ay nagkakahalaga ng Php15 bilyong loan payment. Sa pakikiisa ng Pag-IBIG Fund sa Bayanihan to Heal as One Act, ang lahat ng loan payment na due sa loob ng panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay papayagang bayaran sa susunod na due date ng walang multa. Ito rin ay maaaring bayaran ng paunti-unti kasama ang karampatang interes sa hindi nabayarang utang.

Samatala, tuloy-tuloy pa rin ang pag-alok ng ahensiya sa moratorium program para sa Pag-IBIG Housing Loan, Multi-Purpose Loan (MPL) at Calamity Loan para sa mga miyembrong naapektuhan ang kabuhayan sa ilalim ng ECQ. Sa loob ng March 16 hanggang June 15, 2020, pinapayagan ng programang ito na magbigay ng extension para sa payment loan ng walang multa.

“Ilang araw pa lang matapos ideklara ang ECQ ay inilabas na agad natin ang programang ito. Inaprubahan agad natin ang mga miyembro na kabilang sa minimum wage earner at mga may utang sa socialized housing loan. Inaprubahan din agad ang mga miyembro na ang account ay updated,” bahagi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

Binanggit din ni Moti na mula ng tumanggap ng aplikasyon ang moratorium program, nakatanggap na ang ahensiya ng 12,400 application sa isang araw. 80% dito ay naaprubahan na agad. Ang aplikasyon ay maaaring magpasa online sa Virtual Pag-IBIG (link: https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/LoanMoratorium.aspx).

“Patuloy pong makakaasa ang aming mga miyembro na kami sa Pag-IBIG Fund ay makakasama nila, lalo na sa panahon ng krisis. Patunay po dito ang agarang pagkakaloon namin ng grace period na ito at ang pag-alok ng moratorium na higit pa sa naaayon sa batas, upang lubos na makatulong sa kanila,” dagdag ni Moti.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page