top of page
Search
BRT

Cebu City, naungusan na ang QC sa dami ng kaso ng COVID-19


Mas mataas na ang naitalang kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa Cebu City kumpara sa Quezon City.

Ang Cebu City ay mayroon nang 1,571 na kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 97 na panibagong kaso kahapon, Mayo 10. Habang ang Lungsod ng Quezon ay may kasong 1,524.

Umabot naman na sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa Cebu City.

Ang 97 bagong kaso ay mula sa Barangay Mambaling na itinuturing nang ‘hotspot’ sa COVID-19.

Mahigit 2,400 katao pa ang nakuhanan ng swab samples ng City Health Department kahapon.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page