Hindi umano ipinagbibili ang broadcast network na ABS-CBN at patuloy pa rin nitong ipaglalaban na mabigyan ng prangkisa para makapag-ere ng libreng TV at radio channels.
“ABS-CBN is not for sale,” pahayag ni Kane Errol Choa, ang ABS-CBN corporate communications director.
Ang pahayag ng network ay kasunod ng komento ni Davao-based businessman Dennis Uy na ang kanyang kumpanya na Udenna Corporation ay walang intensyong bilhin ang ABS-CBN. "Being in the business of broadcasting is not part of our corporate direction,” pahayag ni Uy. Noong nakaraang taon ay matatandaang sinabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ABS-CBN Corporation na ibenta na lamang nito ang kumpanya.