top of page
Search
Gina Pleñago​

Southern Metro Press Club, nagpasalamat sa mga donors sa gitna ng COVID-19


Nagpasalamat ang samahan ng mga mamamahayag na itinuturing na frontliners sa pagkober ng mga balita sa Southern Police District (SPD) sa ilang donors na nagkaloob ng ayuda sa gitna ng enhanced community quarantine (ECQ), bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Ariel Fernandez, pangulo ng Southern Metro Press Club (SMPC) dating Progressive Tri Media of Southern Metro (PTMSM), malaking tulong sa mga mamamahayag ang mga natanggap na ayudang food packs, cash at bigas.

Kabilang sa pinasasalamatan ng SMPC ang Metro Pacific Tollways Corporation sa pamamagitan ni Mhanny Agusto, Corporate Communication Specialist; Sen. Bong Go; Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar at Undersecretary Joel Egco; Act-CIS Partylist Rep. Nina Taduran; National Press Club of the Philippines (NPC); Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, INC. (FFCCCII) at kasamahang reporter/businessman Mer Layson.

Marso 31, nang namahagi rin ng food packs sa mga barangay na sakop ng network ng expressways ang Metro Pacific Tollways Corp.

Gayundin ang mga nabanggit pang donors na namahagi din sa iba’t ibang press corps ng kanilang ayuda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page