Ceasefire muna sa mga nagpasara sa ABS-CBN…
Bea, Kim, Coco, Angelica at Boy, biglang-kambiyo, todo-post ng pagmamahal sa madir
Break muna ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Kim Chiu, Angelica Panganiban, Boy Abunda at Coco Martin sa pagpo-post ng kanilang "rant" tungkol sa ABS-CBN shutdown sa social media today.
Bagkus, nagkani-kanya sila ng post ng picture with their respective moms and greetings in celebration of Mother's Day.
Ipinost ni Bea ang piktyur nila ng mommy niya na si Mary Anne Ranollo kung saan magkapareho ang suot nila na white t-shirt at maong shorts.
Caption ni Bea, "If there is anything this crisis is teaching me, it is to appreciate and be grateful for the people in my life who matter. Kayo ang yaman ko."
Nagpasalamat si Bea sa Diyos na healthy at safe ang kanyang ina.
"Happy Mother’s Day, Ma," bati pa rito ni Bea.
"I would never trade that smile for anything in this world."
Sa huli ng kanyang caption ay binati rin ni Bea ang iba pang mga nanay.
"Happy Mother’s Day to all the moms. Sana’y ligtas kayo at kasama n'yo ang inyong pamilya."
Same naman ang ginawang pagbati ni Angelica for her mom sa kanyang Instagram account.
"Happy Mother’s Day Mama. I love you," pagbati ni Angelica.
Gayundin naman si Coco, simple lang ang mensahe niya ng pagbati ng "Happy Mother's Day" sa kanyang IG account.
But unlike Bea and Angelica na kasama ang kanilang ina, ang Lola Matilde ni Coco ang kasama niya sa piktyur na ipinost niya. Ang piktyur nina Coco at Lola Matilde niya ay kuha sa Tokyo Disneyland trip nila.
It's a common knowledge naman na ang Lola Matilde niya ang nag-alaga at nagpalaki kay Coco.
Nakaka-touched naman ang ipinost ni Kim na piktyur ng kanyang ina na si Louella Yap Chiu na naka-frame and nakadikit sa pader at napapaligiran ng malalaki at makukulay na bulaklak.
"Happy Mother's day, Mama!!! Thank you for that comforting dream I had last night! Yes I will be strong! I will and will forever make you proud! Kita ta puhon. Happy Mother's Day everyone!!!"
Last but not the least, ang madamdaming pag-alala naman ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda ang nasulyapan namin na ipinost niya sa kanyang Facebook account.
Sa piktyur ni Kuya Boy na nakahilig siya sa bandang tiyan ng kanyang ina ay nakasulat din ang mensahe at pagbati niya sa lahat ng mga ina.
"Everyone in this world is a child of a mother! Make her proud! It's the best way to love her," mensahe ni Kuya Boy.
Tulad ni Kim, yumao na rin ang ina ni Kuya Boy na si Licerna "Nanay Lesing" Romerica Abunda last December, 2019. At ngayong Mother's Day ang unang taon na hindi niya kasama physically si Nanay Lesing.
Bagama't ilang buwan na ang nakalipas, iniinda pa rin ni Kuya Boy ang sakit ng pagkawala ng kanyang ina.
***
SONNY PARSONS NG HAGIBIS, INATAKE HABANG NAGMO-MOTOR, PATAY

Isa na namang nakakalungkot na balita para sa showbiz industry ang pagkawala ng miyembro ng sikat na all-male group na Hagibis at action star na si Sonny Parsons.
As of this writing, nagsimula nang mag-circulate ang balita tungkol sa pagyao ni Sonny.
Mula sa Facebook account ng miyembro ng banda noong 80s, ang Boyfriends, na si Bob Guzman, ipinost niya ang sinapit ni Sonny.
"Just got a call from Male Rigor ng VST. He was informed by Sampaguita that Sonny Parsons HAGIBIS had a heart attack in Batangas, naka-big bike but unfortunately he passed away. Let's offer a prayer for his eternal rest," post ni Bob.
Nakuha raw ni Bob ang message mula sa kasamaham din niya sa Boyfriends na si Gary Ariola. At napag-alaman naman ito ni Gary mula kay Male Rigor na member ng sikat na banda rin noong dekada '80, ang VST & Co..
Pakikiramay po sa mga naiwan ni Sonny Parsons.