Ngayong Linggo, May 10, at 8 PM ang online concert ni Sharon Cuneta na Love and Music: A Mother’s Day Special which will be streaming live on ABS-CBN ENTERTAINMENT page sa Facebook and YouTube. Ito ay fund raising event for the benefit of ABS-CBN Pantawid ng Pag-ibig project.
Aminado ang Megastar na “burdened” siya dahil sa mga sunud-sunod na unfortunate events at inisa-isa niya ito.
“First, we lost a good friend - and a good man in Mon Jimenez several days ago. He and his late wife Abby were my friends,” ani Sharon sa kanyang Instagram post.
Pangalawang ikinalulungkot ngayon ni Sharon ay ang pagyao ng premyadong direktor na si Peque Gallaga last May 7.
“We recently lost a gem in the movie industry - the great Director Peque Gallaga. He and I worked on only a few TV commercials together - the first of which being my first McDonald’s commercial with the 'Lola' ('Ay! Si Sharon nga!').
“Throughout the years we talked about doing a movie together. He even sent me a storyline of a scary movie to be set in Bacolod. Direk was loved by many, because he was good - AND kind. The industry is grieving (yet again),” she wrote.
Pangatlo ay ang pag-shutdown ng ABS-CBN.
“The oh so sudden ABS-CBN shutdown. We are all still reeling from it, and we won’t stop fighting for our network,” aniya.
Pang-apat ay ang pagyao ng kanyang half-sister na parati raw nanonood ng concerts niya rito man o abroad.
“These are things you cannot do anything about but need to face and try your best to set aside for a bit because you are about to do a concert in the hopes of raising funds for our Frontliners and hungry families that ABS-CBN’s Pantawid ng Pag-ibig will never stop helping. This is my life,” saad pa ni Mega.
Bukod dito ay nag-aalala rin daw siya sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion.
“Plus, I miss & worry about Kristina. No matter what, she is MY baby. I haven’t seen her since Christmas Eve last year. And she lives alone with only her 2 dogs to keep her company.
“I need your prayers, my dearest IG family. Yes I am strong-but I often just pretend that I am. Because I have to be,” pahayag niya.
In another post ay nanawagan din si Shawie na magkaisa tayong lahat na tulungan ang ating mga frontliners at mga kababayang apektado ng health crisis.
“Mamayang gabi na po! Sa ABS-CBN ENTERTAINMENT page sa Facebook at sa YouTube! See you all at 8PM.
“Sana po makapag-donate kayo kahit anong halaga, malaking tulong po 'yun sa ating mga frontliners at mga kababayan nating nagugutom sa hirap ng paghanap ng makakain ngayong may ECQ.
“Hindi po natin alam kung hanggang kailan tayo magtitiis sa COVID-19 kaya sana po, magtulungan at magkaisa tayong lahat para sa ating mga kababayan at sa pagsagip sa ating LAHAT. PANTAWID NG PAG-IBIG. Mula sa ABS-CBN lamang. Happy Mother’s Day sa lahat sa inyong mga inang tulad ko! Maraming salamat po,” the Megastar wrote.
♥♥♥
May pa-throwback ang Kapuso actress na si Kate Valdez sa Instagram! Mukhang kasama sa mahabang listahan ng mga kapwa artista na nami-miss niya ang mga co-stars niya sa hit series na Onanay na sina Mikee Quintos at Jo Berry.
Sa photo, makikita na nakasuot pa ng school uniform sina Kate at Mikee na gumanap bilang magkapatid na Natalie at Maila sa serye. Kasama rin nila si Jo na gumanap naman na kanilang nanay na si Onay.
Samantala, patuloy na inaaliw muna ni Kate ang sarili sa paggawa ng mga videos sa TikTok habang pansamantalang suspendido ang taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kung saan kasama niya ang Primetime Princess na si Barbie Forteza.