top of page
Search
Lolet Abania​

Protesta sa distribusyon ng pagkain, nauwi sa karahasan sa Pakistan


ISLAMABAD, PAKISTAN – Naging marahas ang protestang isinagawa para sa aid distribution sa western Afghanistan, kung saan maraming namatay na sibilyan at police officers, gayundin nag-iwan ng mga sugatan.

Tinatayang isang daang katao ang nagsama-sama na nagpunta sa governor’s compound sa Ghor upang magprotesta sa sinasabing hindi pantay-pantay na distribusyon ng pagkain sa kabila ng coronavirus pandemic.

Karamihan sa mga naninirahan sa naturang lugar ay nababahala dahil sa lockdown na ipinatutupad para labanan ang pagkalat ng virus kasabay pa nito ang pagtaas ng presyo ng pagkain at kawalan ng trabaho ng mga mamamayan doon. Nagbabala rin ang mga grupo na namamahagi ng tulong sa puwedeng mangyari dahil sa sitwasyong kinakaharap ng halos kalahati ng Afghans sa nararanasang gutom.

Sa isang video message, tinawag ng Interior Ministry spokesman ang insidente na “unpleasant” at isinisi ang karahasan at pamamaril sa mga “irresponsible armed men.” Sabi ni spokesman Tariq Aryan, apat na sibilyan at dalawang police officers ang napatay, gayundin, ang protesta ay nag-iwan ng mahigit sa 12 sugatan. Kasama sa namatay ang Afghan journalist na si Ahmad Naveed Khan.

Ayon pa kay Aryan, isang delegasyon ang ipapadala ng ministry sa Ghor upang “masusing imbestigahan ang insidente.”

Samantala, isang local lawmaker, si Keramuddin Reza Zada ang nagsasabing “a number of poor and

starving people protested the shortcomings of aid distribution, then unfortunately this tragic incident happened.” Ayon pa kay Reza Zada, limang sibilyan ang nasawi at 15 hanggang 20 ang sugatan, na ang ilan dito ay nasa kritikal na kondisyon.

Gayunman, sa Reuters report, nagpaputok ng baril ang pulisya matapos na nambato at namaril ang mga protesters para makapasok sa bahay ng governor, ayon kay Mohammad Arif Aber, spokesman ng provincial governor ng Ghor.

Tinawagan na ng Amnesty International ang Afghan authorities upang imbestigahan kung may pang-aabusong nangyayari o “use of unnecessary and excessive force.”

Sa naitalang bilang sa Afghanistan mahigit sa 4,000 ang may coronavirus at 100 na ang namatay, at dahil sa random testing mas tataas pa ito. Nagbabala na rin ang isang kinatawan sa United Nations na maaaring maging isa ang naturang lugar sa may pinakamataas na kaso ng infected sa buong mundo.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page