top of page
Search
BRT​

Pamilya ng OFW na nawalan ng sustento dahil sa COVID-19, pasok sa SAP — DSWD


Ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pasok bilang benepisyaryo ng social amelioration program (SAP) ang mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs) na apektado rin ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa DSWD, kinokonsidera nilang "vulnerable members of the community" ang mga pamilya ng OFWs na ngayon ay hindi muna nakatatanggap ng sustento.

Kalat na kasi sa buong mundo ang COVID-19 at apektado rin ang hanapbuhay ng mga Pinoy na nagtatrabaho abroad.

Pasok din sa SAP ang mga pamilya ng OFWs na na-repatriate.

Dapat umanong makipag-ugnayan ang mga kuwalipikadong pamilya sa kanilang lokal na pamahalaan o barangay para mapabilang sa programa.

Sa ilalim ng SAP, makatatanggap ang mga pamilya ng mula P5,000 hanggang P8,000 cash para maitawid nila ang krisis bunsod ng pandemic.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page