Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends
Nag-post si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ng piktyur niya with a long message para sa kanyang mga fans at followers.
Aniya, “I’ve missed you… BUT na-feel ko na special occasion ako dapat maki-connect ulit… SUPER SPECIAL ang araw na ipinagdiriwang nating lahat ang mga ina, nanay, mommy, mothers, and mamas…
“To help your family’s celebration, sa FB Live ko at 8:30 PM TONIGHT, Saturday, May 9, habang nagka-catch up tayo sa kuwentuhan, I’ll be choosing 10 of you who will receive PHP 5,000 each that we’ll send via money remittance tomorrow by lunchtime. SEE YOU LATER.”
Samantala, sa comments section ng naturang post, hindi napigilan ng isang netizen na magtanong kay Kris tungkol sa pinagdaraanan ngayon ng ABS-CBN Network.
Komento ng netizen, “Bakit hindi na-renew ang ABS-CBN franchise nu’ng time ng kapatid mo?”
We all know naman na si ex-President Noynoy Aquino ang tinutukoy ng netizen.
Sagot ni Kris, “Politely, I shall answer as politely & factually as I am capable: I wasn’t a member of the NTC, an elected member of Congress, a part of what was then DOTC, and most importantly, I was not privy to the inner workings & dealings of the highest level of management decisions of my former home network.
"To refresh your memory, I haven’t been a contract star of ABS-CBN since the end of January, 2016 – more than 4 years have passed… I am hopeful you will allow someone who has chosen to keep her silence, knowing that anything she says can be misinterpreted to suit the negative agenda of those who wish to only create more negativity, the peace she has fought hard to deserve. I want to share some of my blessings with other mothers and their families because I believe you EARN your VOICE and not just as senseless noise because you have genuine concern & compassion for others. In other words, you walk the talk. If my answer didn’t satisfy you, I suggest i-tweet mo sa KAPATID ko, himself. After all, hindi niya ako spokesperson.”
♥♥♥
Sigaw ni Coco: Mga Chinese, binigyan ng trabaho ng gobyerno, mga Pinoy tinanggalan
Sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga tirada ni Coco Martin sa pamahalaan dahil sa pagpapasara sa ABS-CBN Network.
Sabi kasi ni Coco sa kanyang Instagram account kamakailan, “Ano ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa, sa lahat ng mga Pilipino, o ‘yung sugal na ipinapasok sa ating bansa? Buti pa ’yung POGO, ipinaglalaban n’yo. Itong kumpanyang tumutulong sa lahat ng mga tao ngayon, ipinasara n’yo.”
Sagot ni Spokesperson Roque, “Well, alam n’yo po, ‘yan naman po ay nagpapatunay na buhay ang demokrasya sa Pilipinas. Merong malayang pananalita at wala pong sumusupil sa kalayaan ni Coco Martin na magsalita. Pero parang ‘di tama ‘yung comparison between ABS-CBN and ang mga POGO dahil unlike ‘yung mga broadcast companies, wala pong probisyon sa saligang batas kung sino’ng pupuwedeng magbigay ng authority para mag-operate ang POGO.
“Ang POGO po, tanging PAGCOR lang ang magbibigay ng desisyon kung sila’y mag-o-operate, samantalang ang broadcast company po, tanging Kongreso lang po ang may ganyang kapangyarihan.”
Samantala, sagot naman ni Coco, “Sabi po ni Presidential Spokesperson Harry Roque, naniniwala raw po siya na nananaig pa rin ang demokrasya sa ating bansa at malayo raw na ikumpara ang POGO sa pagpapasarado ng ABS-CBN.
“Paano po hindi maikukumpara ang POGO sa pagpapasara ng ABS-CBN? Ang pagpapapasok n’yo ng POGO dito sa ating bansa ay ang pagbibigay ng trabaho sa maraming dayuhang Chinese. Ang pagpapasarado po ng ABS-CBN ay pagtatanggal ng trabaho sa maraming manggagawang Pilipino.
“Tama naman ho kayo, magkaiba nga.. kasi ang dayuhang Chinese, nabibigyan ng trabaho, samantalang kami pong kapwa n’yo Pilipino, tinanggalan n’yo ng hanapbuhay.
“Matanong ko lang , bakit minamadali natin ibalik ang POGO samantalang ang pagsusugal ngayon sa kalye ay ipinagbabawal?”
Well, ano kaya ang masasabi ni Presidential Spokesperson Roque rito?