Inaasahang bukas, Mayo 11, iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang desisyon kung palalawigin o tatanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ).
Gagawin ng Pangulo ang anunsiyo pagkatapos ng pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
“'Antay na lang po tayo, isang tulog na lang po iyan. Sa Lunes po inaasahan natin na magkakaroon po ng approval ang ating Presidente kung ano ang mangyayari sa atin ng May 16,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Una nang sinabi ni Roque na posibleng mananatili sa enhanced community quarantine ang ilang lugar sa Metro Manila na kinokonsiderang high risk sa Coronavirus Disease 2019.