top of page
Search
Govinda Jeremaya

Bukod sa lagundi... Tawa-tawa, ginagamit na food supplement ng COVID-19 patients


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Laughter is the best medicine.”

Marinig pa lang natin ang kasabihang ito, may saya at sigla na tayong madarama, kaya masasabing ang pagtawa ay tunay na napakaganda.

Be that as in may dahil ang halaman na “tawa-tawa” ay ikinukonsidera na puwedeng makatulong sa COVID-19 patients. Kaya isa ang halamang tawa-tawa sa gagastusan ng gobyerno para higit pang pag-aralan ang halamang gamot na ito.

Maganda at nakatatawa ang kuwento sa likod ng herbal medicine na tawa-tawa dahil ito ay ang ginawang gamot ng ating mga kababayan laban sa dengue. Maraming real-life na kuwento na ayaw ng mga doktor na gamitin ang tawa-tawa sa mga may dengue, pero dahil alam ng tao na mabisa ito, pinaiinom nila ang katas ng tawa-tawa sa kaanak na may sakit nang hindi alam ng doktor.

Ang resulta na gumaling sa dengue ang kanilang mga mahal sa buhay at ang isa pang resulta na kinilala na ng agham ng medisina ang herbal medicine na tawa-tawa. Ngayong marami ang biktima ng COVID-19, may mga doktor na gumagamit nito bilang food supplement sa mga pasyente at hindi na sila nagulat dahil gumaling ang mga may COVID-19.

Ito ang naging basehan kung bakit ang tawa-tawa ay isa sa ikinukonsiderang herbal medicine laban sa COVID-19. Kaya bukod sa sumikat ang tawa-tawa dahil sa dengue, muli siyang magpapakitang-gilas laban sa COVID-19.

Ano ang lihim ng tawa-tawa? Narito ang nilalaman ng halamang gamot na ito:

  • Protein - 13.5%

  • Fat - 1.13%

  • Ash - 3.13%

  • Crude fiber - 3.57%

  • Carbohydrate - 69.5%

  • Ascorbic acid - 26.1 mg/100g

  • Thiamine - 0.60 mg

  • Riboflavin - 1.20 mg

  • Niacin - 0.70 mg

Sa ngayon, pilit na tinutuklas ng agham ng medisina ang kakayahan ng tawa-tawa kaya patuloy nila itong pinag-aaralan.

Pero ang nakatatawa sa tawa-tawa ay ang katotohanang hindi na mahintay ng tao ang magiging final na resulta ng pag-aaral. Ito ay dahil bukod sa gamot ito sa dengue, nakapagsasalba ito ng buhay kaya mas magandang makipagsapalaran sa tawa-tawa.

Ayon sa mga eksperto, ang tawa-tawa ay isa sa most promising cure sa COVID-19.

May kakayahan din itong lunasan ang iba pang sakit tulad ng asthma, bronchitis at iba pang respiratory illness.

Ang isa pa sa masayang balita ay kayang gamutin ng tawa-tawa ang depression o pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na kalungkutan ng tao.

Gayundin, ito ay magandang ipamalit sa kape at gamot din ito laban sa sobrang addiction sa alak o alcohol.

Kahit wala kang COVID-19, mas magandang ngayon pa lang ay uminom na ng tsaa na mula sa tawa-tawa.

  1. Kumuha ng tawa-tawa, isang buong halaman kasama ang mga dahon, sanga at ugat.

  2. Pakuluan sa isang litrong tubig sa loob ng kahalating oras.

  3. Kapag maligamgam na, puwede na itong inumin bilang tsaa.

Sa ganito ring paraan, ang pinakuluang tawa-tawa ay kukunin ang mismong tubig na ginamit sa pagpapakulo, ilagay sa pitsel o bote, palamigin at gawing tawa-tawa tonic na iinumin sa umaga at bago matulog. Ginagarantiyahan nito na ikaw ay magkakaroon ng mahimbing na tulog.

Mahirap ang may sakit, lalo na kung ang sakit ay tulad ng nasabi sa itaas na buhay at kamatayan ang nakataya, alam ito ng mga doktor kaya ngayon ay siniseryoso na nila ang tawa-tawa.

Nakatatawa ang kasaysayan ng tawa-tawa dahil noon ay hindi naman siya pinapansin, pero ngayon, ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya.

Magtanim ka ng lagundi sa iyong bakuran. Mas magandang magtanim ng mga herbal medicine kaysa mga halamang pandisplay lang. Kung gagawa ka ng herbilarium o garden ng mga herbal medicine, huwag na huwag mong kaliligtaan ang lagundi.

Good luck!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page