Umapela sa gobyerno ang isang obispo na payagan na ang pagdalo sa mga misa sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Manila apostolic administrator, naglabas na umano sila ng tagubilin o pastoral protocol sa Archdiocese of Manila para sundin ng mga mananampalataya
sakaling payagan nang dumalo ulit sa mga misa. Kabilang ang pagsunod sa social distancing,
pagsusuot ng mask at pagtakda ng pagitan ng mga oras sa bawat misa.
Matatandaang nakatakda na sanang payagan ang pagdaraos ng religious event, tulad ng mga misa sa ilalim ng GCQ subalit, hindi ito itinuloy ng gobyerno matapos umanong apelahin ng mga lokal na opisyal.