Nitz Miralles / Bida
Nagpaiyak kahapon sina Alden Richards at Rodjun Cruz sa kanilang Mother’s Day message sa kani-kanyang ina na pumanaw na.
Sa kanyang video message, sabi ni Alden, “Happy, Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay, here and around the world, thank you so much for the unconditional love that you’d given us your children.
"Sa mga may nanay pa diyan, napakasuwerte nito, say I love you to them everyday especially on this, Mother’s Day. To my mom, wherever you are, I hope you’re proud of us your kids. I love you so much. Walang araw na hindi kita na-miss. I love you so much, Ma!”
Sinundan pa ito ng post na “I miss you, Ma!”
Sumagot si Rodjun ng “Akap brother @aldenrichards02! Sobrang saya ng mga Mama natin sa Heaven. Siguradong enggrande ang Mother’s Day celebration du'n. May chikahan at sayawan sila ru'n, hehe. Sobrang love nila tayo at proud na proud sila sa 'tin.”
Parehong wala nang ina ang magkaibigang Alden at Rodjun kaya nakaka-relate sila sa isa’t isa.
Mabuti na lang at ginagabayan sila ng mga tao sa paligid nila na nagmamahal din sa kanila.
♥♥♥
Angel, ‘Happy Birthday’ lang ang bati sa anak ni Neil
Joaquin pala ang pangalan ng anak ni Neil Arce sa kanyang ex at kaya nalaman ng publiko ay dahil binanggit ni Charlene Gonzales ang name ng bagets nang binati niya ng happy birthday.
Birthday ng anak ni Neil na 13 years old na pala at kabilang sa mga bumati kay Joaquin ay ang future stepmom niyang si Angel Locsin na “Happy birthday” lang ang sinabi.
Samantala, kasama kami sa mga nagpe-pray na gumaling ang pet dog ni Angel na si Pwet-Pwet na may kidney failure. Ang hirap na may pet kung may sakit dahil hindi nila masabi kung ano ang masakit sa kanila.
Prayers for Pwet-Pwet!
♥♥♥
Rhian, nagpakain ng 300 frontliners
Post ni Rhian Ramos sa socmed, “Hindi ko kayo kayang ipagluto ng 300 meals sa maliit kong kusina, but I’m so happy to discover @kitchencityfrozenmeals. These days, we have to get more creative with showing people we care... so I wanted to send these tasty meals to our frontliners at the Philippine Navy, East Avenue Medical Center, and our Lolos, Lolas and staff of GRACES. Sana na-enjoy n'yo rin, at salamat sa mga print-outs at video greets.”
Hindi man si Rhian ang nagluto ng food na ipinadala niya sa mga nabanggit, nakapagkawanggawa pa rin siya at nakatulong sa mga frontliners.
Ang bilis ng pasasalamat ng mga taga-East Avenue Medical Center kay Rhian via Instagram (IG).
Anyway, may nag-suggest sa GMA-7 na ipalabas uli ang simula ng Love of My Life na isa si Rhian sa mga bida para lang ma-refresh ang mga viewers sa istorya ng magandang primetime series ng network. Para raw kapag puwede nang mag-taping at may bago nang mga episodes na ipapalabas, maaalala ng mga viewers ang story at ang mga karakter na ginampanan nina Rhian, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Mikael Daez at Coney Reyes.
Magandang suhestiyon ito at pati nga Descendants of the Sun, may nag-suggest na ipalabas uli para lang ma-refresh ang memory ng mga Kapuso viewers sa story.