top of page
Search
Lolet Abania​

‘Triple antiviral drugs’ mainam na panlunas sa COVID-19


LONDON – Tripleng kombinasyon ng antiviral drugs ang nagpakita ng inisyal na kahusayan bilang panlunas sa mga pasyenteng mayroong mild at moderate ng covid-19, ayon sa ginawang trial na based sa Hong Kong.

Nadiskubre ng mga scientists na ang mga pasyenteng binigyan ng tatlong pinagsamang gamot na iyon ay nagnegatibo sa test sa coronavirus matapos ang pitong araw, gayundin ang mga nasa control group ay nag-negative sa test matapos ang 12 araw.

Sa ginawang pag-aaral, na na-published sa Lancet medical journal, ibinigay ito sa 127 pasyente, lahat ay may mild at moderate symptoms, mula sa anim na ospital sa Hong Kong. Ang tatlong pinagsamang medisina ay lopinavir-ritonavir, isang HIV drug; ribavirin, treatment drug para sa hepatitis C; at interferon beta, gamot na panlunas para sa multiple sclerosis. Ang ibinigay naman para sa control group ay HIV drug lamang.

Sa sinulat ng mga may-akda ng pag-aaral, ang triple drug treatment ay “safe and superior to the ‘HIV drug alone’ in alleviating symptoms and shortening the duration of viral shedding and hospital stay.”

Halos lahat ng mga scientists sa buong mundo ay hindi tumitigil sa paghahanap ng gamot at bakuna na panlaban sa novel coronavirus. Subalit para sa mga eksperto, ang isang bakuna ay umaabot sa 12 at 18 buwan bago madebelop at maipamahagi sa merkado kung madiskubre man ito agad – gaya ng vaccine para sana sa SARS o MERS na hanggang ngayon ay hindi pa rin nadidiskubre. Ang iba ay patuloy na pinag-aaral ang treatments tulad ng ‘convalescent plasma’ o ‘repurposing’ ng gamot nang remdesivir, na dinibelop na panlaban sa Ebola.

Samantala, ayon sa mga researchers na hindi nakasama sa trial, maganda ang ipinakikitang resulta ng triple antiviral drugs subalit kailangan pa ng mas malalim na pag-aaral tungkol dito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page