top of page
Search
Govinda Jeremaya

Mapa-doktor o pasyente, aprub... Lagundi, ginagamit na food supplement ng COVID-19 patients


Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

May ilang pang halaman na ikinukonsidera ng mga doktor na eksperto laban sa COVID-19 at ang isa sa mga ito ay ang halamang gamot na lagundi.

Sa kasalukuyan, ginagamit ng mga doktor na gumagamot sa mga pasyente na may COVID-19 ang lagundi bilang supplement. Ang nakatutuwa pa ay pati ang mga doktor ay gumagamit nito bilang food supplement habang nakikibaka sila sa COVID-19.

Ang mga nagsigaling na ay ginamitan ng food supplement na lagundi kaya napahanga ang mga doktor sa galing at husay ng halamang ito. Dahil na rin dito, ang halamang lagundi ay isa sa pinag-aaralan bilang panlaban sa COVID-19.

Sa ganitong mga kaganapan, ibinabalita na ang lagundi ay isa sa most promising herbal medicine kontra COVID-19.

Ang totoo, hindi naman ang mga doktor ang nagpasimuno na gawing gamot ang lagundi laban sa mga virus dahil noon pa man, ito ay ginagamit na ng mga sinaunang Pinoy laban sa lagnat, sipon, trangkaso at ubo.

Kayang-kaya ng lagundi na mailabas ang mga plema na nasa katawan ng taong may sakit. Kasabay nito, napapababa ng lagundi ang temperatura ng taong may lagnat, trangkaso at sipon. Gayundin, ang sakit ng ulo at ngipin ay kayang-kaya rin ng lagundi.

Simple at madali lang ang paraan ng panggagamot sa mga nabanggit na karamdaman.

  1. Kumuha ng baso at ilagay dito ang mga dahon ng lagundi

  2. Pakuluan ng 10 minuto at palamigin

  3. Kapag malamig na, puwede na itong gamitin bilang herbal medicine

  4. Hahatiin ito sa tatlong parte dahil kailangan itong inumin nang tatlong beses sa isang araw

Dagdag-kaalaman: Ang balat o bark, roots at seeds ay anti-inflammatory, astringent, antibacterial, antifungal, analgesic, alterant, depurative, rejuvenating at stomachic. Ang bulalak naman ay astringent, carminative, hepatoprotection, digestive, vermifuge at febrifuge.

Magtanim ka ng lagundi sa iyong bakuran. Mas magandang magtanim ng mga herbal medicine kaysa mga halamang pandisplay lang. Kung gagawa ka ng herbilarium o garden ng mga herbal medicine, huwag na huwag mong kaliligtaan ang lagundi.

Good luck!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page