Sa unang pagkakataon nagpakita na muli sa publiko si North Korean leader Kim Jong Un matapos ang tatlong linggo pagkawala dahilan para umugong ang espekulasyon ng tungkol sa estado ng kanyang kalusugan sa buong mundo.
Naganap kahapon, ang kanyang public appearance sa ginawang ceremony ng pagbubukas at inagurasyon ng bagong fertilizer factory, ayon sa report ng North Korean state media na Korean Central News Agency (KCNA).
“When the Sunchon Phosphatic Fertilizer Manufacturing Plant goes into operation, it will represent a historical development in our country’s fertilizer industry, it will be a glorious revolution and a splendid display of our nation’s great economic potential, and it will be an uplifting banner that assures us of the achievements of our country’s general economic frontline,” sabi ni NoKor leader Kim, mula sa report ng KCNA.
Gayundin, naiulat ang pagbisita ni Kim sa planta sa state radio at naging frontpage ng opisyal na diyaryong Rodong Sinmun.