Erlinda Rapadas / Teka Nga
Sarah, nagi-guilty sa pagtalikod sa parents dahil kay Matteo
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_9a25f63b389447789d1445b82628afa2~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_9a25f63b389447789d1445b82628afa2~mv2.jpg)
Maraming nakakapansin sa sobrang kapayatan ngayon ni Sarah Geronimo at mukhang may mabigat na problemang dinadala sa kanyang dibdib. Nakikita rin na may lungkot ang kanyang mga mata at hapis na hapis na ang kanyang mukha.
Dapat sana'y larawan ng isang masayang maybahay ang Pop Royalty dahil kasal na sila ni Matteo Guidicelli, ang lalaking kanyang ipinaglaban. Nagawa na ni Sarah na talikuran ang kanyang sariling pamilya at lihim na nagpakasal kay Matteo.
Hanggang langit ang pagtutol ni Mommy Divine sa kanilang pagpapakasal, pero nanaig ang pag-ibig at hindi nahadlangan ng sinuman ang kanilang pagpapakasal.
Mula't sapul ay isang mabait, marespeto at masunuring anak si Sarah sa kanyang magulang. Kailanman ay hindi ito nakaisip na magrebelde at suwayin ang utos ng kanyang mga magulang.
Pero, nasa tamang edad na rin naman si Sarah at gusto na niyang bumuo ng sariling pamilya. At si Matteo ang lalaking ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan.
Maligaya man siya sa piling ni Matteo, hindi maikakaila na nami-miss din ni Sarah ang kanyang pamilya. Gusto rin niyang makasama ang mga ito at 'yun ang malaking problema na kanyang dala araw-araw. Ito ang dahilan kaya siya pumapayat ngayon, bukod pa sa tsikang buntis nga siya.
♥♥♥
John Lloyd, super-nega, imbes purihin si Bea, sinisi pa sa pagtulong sa kapwa
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_f64f167d3a2445199d163280c3bae242~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_f64f167d3a2445199d163280c3bae242~mv2.jpg)
Naiintriga kami sa naging pahayag ni John Lloyd Cruz sa kanilang pag-uusap ni Bea Alonzo via Instagram Live. Ayaw niyang matatawag na suwerte siya sa buhay kahit may career, may mga tagahangang sumusuporta at may naipundar na kabuhayan mula sa kanyang kinita sa pag-aartista.
Ilang beses sinabi ni Bea na masuwerte sila kumpara sa iba na apektado ng COVID-19 pandemic. Maraming nawalan ng trabaho, maraming nagsarang negosyo at maraming nakakaranas ng gutom sa kawalan ng ayuda mula sa gobyerno.
Sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19, isa si Bea sa mga tumutulong at nagpapadala ng mga food packs at relief goods sa mga health workers at frontliners. Si Bea mismo ang naghahanda at nagluluto ng ipinamimigay niyang food packs. Pero, sa halip na purihin ni JLC ay sinabihan pa siya na binibigyan lang niya ng false hope ang mga taong tinulungan niya.
Bakit kaya ganito ka-pessimistic ang pananaw ngayon sa buhay ni John Lloyd? Bakit hindi niya maramdaman kung gaano siya kasuwerte sa buhay kumpara sa iba na halos araw at gabi ay kumakayod para itaguyod ang pamilya?
♥♥♥
Ellen, ‘di na perfect ang katawan, dalagang-ina pa kaya no match na kay Ivana
Wala raw panama si Ellen Adarna sa bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi kung sa paseksihan din lang dadaanin.
Si Ivana, flawless at kutis porselana at amoy baby palagi. Fresh na fresh ang aura ni Ivana kaya naman siya ang pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan.
Hindi rin cheap ang beauty ni Ivana kahit na nagpapa-sexy sa kanyang mga pictorials at vlogs. Disente pa rin siyang tingnan at hindi bastusin.
Single rin si Ivana compared kay Ellen na may anak na at hindi proportioned ang katawan.
Kahit idaan pa sa survey, tiyak na kakabugin ni Ivana si Ellen. Maging sa yaman ay may namana rin naman si Ivana sa yumao niyang ama.
Sa mga pinaggagagawa ngayon ni Ellen kung saan nagpo-post siya sa social media ng kanyang mga sexy photos, nangangahulugan lamang na nagpapapansin siya at gustong makakuha ng atensiyon.
Sinasabayan niya ang pagpaparamdam muli ng ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz na nagbabalik-showbiz na.
Wala raw planong magbalik-showbiz si Ellen. Sa pagpapalaki sa anak nilang si Elias daw muna siya tututok. Kapag nag-seven years old na ang anak ay saka pa lang niya ire-reconsider ang pagbabalik-showbiz.
Ang tanong ng marami, naaalagaan nga ba nang husto ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd?
♥♥♥
Utol ni Ivana na si Mona Louise, super-galing mag-rap
Teen-ager na rin ang youngest sister ni Ivana Alawi na si Mona Louise Rey Alawi. At kung dati-rati ay drama ang forte niya noong siya ay nagsimula bilang child star, ngayon ay talent naman niya sa musika ang kanyang inilalabas.
Magaling din palang mag-rap si Mona at kami man ay nagulat sa bagong talent niya na aming nakita. Puwedeng i-develop pa nang husto ni Mona ang kanyang talent sa pagra-rap at kung magiging aktibo na siyang muli sa showbiz, tiyak na may gagawin siyang transformation sa kanyang personalidad at dito, matutulungan siya ng kanyang Ate Ivana.
♥♥♥
Glaiza, todo-displey na sa Irish BF
May mga netizens na curious malaman kung may naging boyfriend ba si Glaiza de Castro sa isa sa mga naging co-stars niya noon sa mga serye ng GMA-7. Hindi masyadong open si Glaiza pagdating sa kanyang love life.
May ilang aktor na na-link sa kanya noon pero ni minsan, wala siyang inamin na naging karelasyon. Kaya marami ang nagulat nang idispley niya sa social media ang bf niyang si David Rainey na isang Irish na surfer/musician at nakilala niya sa Siargao.
Naipakilala na rin niya si David sa kanyang parents at nakapunta na ito sa resort nila sa Baler, Quezon.