Dear Doc. Shane,
Napansin ko na hindi pantay ang aking suso. Mas malaki at mas mababa ang kanang bahagi nito kumpara sa kaliwa. Wala pa akong asawa at anak kaya natatakot ako dahil meron din akong nakakapang bukol dito. Maaari ba ninyong talakayin ang mga sintomas ng kanser sa suso? – Eliza
Sagot
Ang breast cancer ay isang uri ng kanser na nagmumula sa tisyu ng suso na karaniwang mula sa panloob na paglilinya ng mga dukto ng gatas o ng mga lobula (lobules) na nagsusuplay sa mga dukto ng gatas.
Ang kanser na nagmumula sa mga dukto ay kilala bilang “carcinoma” samantalang ang mga nagmumula mula sa mga lobula ay tinatawag na mga lobular na carcinoma.
Maagang sintomas ng kanser sa suso:
Ang unang mapapansing sintomas ng kanser sa suso ay karaniwang bukol sa suso. Mahigit 80% ng mga kaso ng kanser sa suso ay natutuklasan kapag may nasasalat ma bukol ang babae.
Ang mga bukol na natagpuan sa mga kulani na matatagpuan sa kili kili ay maaari ring indikasyon ng kanser sa suso.
Ang mga indikasyon ng kanser bukod sa bukol ay maaaring kabilangan ng pagkapal na iba sa iba pang mga tisyu ng suso na ang isang suso ay nagiging mas malaki o mas mababa, pagbabago ng posisyon ng nipple o hugis nito o pagbaliktad nito, pagbibiloy ng balat, rashes sa palibot ng nipple, paglabas ng fluid o likido sa nipple, patuloy na sakit sa bahagi ng suso o kilikili at pamamaga sa ilalim ng kilikili.
Ang paglitaw ng mga sintomas ay dapat seryosohin ng mga pasyente kaya ipinapayo nating magpakonsulta agad sa doktor upang makita o maeksamin ang bukol na nakakapa mo sa iyong suso.