Beth Gelena / Bulgary Files
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_4cf93a6800974ae6adcf47efc45ae576~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_4cf93a6800974ae6adcf47efc45ae576~mv2.jpg)
May post si Ellen Adarna sa kanyang Instagram account na naka-bikini.
Napansin ng netizen na parang marumi raw ang kanyang balat dahil may mga patse-patse.
“Did you edit your stomach because the skin tone of that part is different from the rest of your body?” tanong ng netizen.
“Nope, I just tan a lot and I dunno why my stomach and mid-part of my body tanned the most.
“I forgot to put sunblock on my stomach weeks ago. So, this is why it looks darker and weird,” ang sagot ng ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz.
Nasabihan tuloy si Ellen na mukhang madungis.
May mga nagsasabi namang ang daming ganap lately sa sexy actress. Lagi raw kasing nagpapapansin sa kanyang post si Ellen at nakikipagpaligsahan sa post nina Bea at Lloydie.
Mukhang naapektuhan daw siya sa mga balita ngayon tungkol sa perennial love team.
Sabi tuloy ng isang netizen, "Bakit naman siya affected, 'di ba, may ka-long-distance relationship na siya?”
Hater naman yata ni Ellen ang isang nag-comment ng… “Si Ellen, ang ganda pero nakaka-turn-off na 'pag nagsalita.”
Anyway, sa nagsasabing magbabalik-showbiz na rin ang sexy actress, tahasan na niyang sinabi na matatagalan pa hangga’t hindi pa raw nagpi-pitong taong gulang ang anak nila ni JLC na si Elias Modesto.
♥♥♥
Sharon, hanggang online na lang ang concert
Tuloy na ang online fundraising concert ni Sharon Cuneta na gaganapin sa mismong Mother’s Day, May 10.
Ang title ng concert ay Sharon Love and Music na mapapanood sa Facebook at YouTube channel ng ABS-CBN.
Kakantahin ni Megastar ang mga hit songs niya noon at ang kikitain ay itutulong sa mga needy people dahil sa pandemic COVID-19.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga followers ni Shawie kung may mahalagang partisipasyon ang apat niyang anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel at Miguel Pangilinan sa kanyang online concert dahil Mother’s Day naman.
♥♥♥
Matteo, iniinggit ang mga BFF kung gaano kasarap maging asawa si Sarah
Proud na proud talaga si Matteo Guidicelli sa kanyang asawang si Sarah Geronimo at ipinagmamalaki niya sa kahit sinong makausap niya na napakasarap ng pakiramdam na mag-asawa na sila ng Pop Princess at masarap gumising na katabi niya ito sa kama.
Pinapayuhan din niya ang mga binatang kaibigan na mag-asawa na rin dahil masarap daw na may kasama sa buhay.
Nasa honeymoon stage pa ngayon sina Matteo at Sarah kaya ang saya-saya ng pakiramdam ng dalawa at buhay-prinsesa talaga ang anak ni Mommy Divine kay Matteo dahil pag-amin ng aktor, ipinagluluto niya ang misis, bagama't palitan naman daw sila ng pagluluto.
Halata lang na malaki ang ipinayat ni Sarah mula nang magsama sila ni Matteo. Hindi kaya naglilihi na ang Pop Princess?