top of page
Search
Gina Pleñago​

BJMP personnel sa Las Piñas City Jail, sumailalim na sa COVID testing


Sumailalim sa COVID-19 testing ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakatalaga sa Las Piñas City Jail.

Bandang alas-9:00 ng umaga nang isailalim sa swab testing ang dalawampu’t dalawang (22) BJMP personnel sa pamamagitan ng pagkuha ng mucus sample sa ilong at lalamunan sa pangangasiwa ni Dr. Rosarie Oca.

Ayon kay City Health Office Chief Dr. Ferdinand Eusebio, ang mga swab samples ng BJMP personnel ay dadalhin naman sa Philippine Red Cross (PRC) para doon suriin kung positibo o negatibo ang mga ito sa COVID-19.

"Isa po sa ating prayoridad na ma-test ang ating BJMP personnel para masiguro ang kanilang kalusugan at maiwasan ang pagkalat ng virus sa loob ng ating city jail," ani Mayor Mel Aguilar.

Samantala, ito ay hiwalay umano sa isinasagawang rapid testing ng Las Piñas City Government para sa mga health frontliners sa iba't ibang barangay.

Matatandaang nitong nakaraang linggo nang nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA ) sa pagitan ng Las Piñas Government at ng PRC para sa 1,500 swabbing test kits na nagkakahalaga ng P5 milyon na inilaan sa pagtugon ng COVID cases sa lungsod.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page