
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 164 kilometers Southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-7:48 umaga ng Lunes, April 27.
May lalim na 64 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Samantala, naitala ang instrumental intensity 1 sa Malungon at Alabel, Sarangani.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.