top of page
Search

1 milyong Australians nag-download ng tracing app kontra COVID-19

Lolet Abania

SYDNEY – Isang coronavirus tracing app ang inilabas ng Australian government at mahigit sa 1 milyong beses na itong nai-download, sa kabila na maaaring maapektuhan ang pribadong bagay.

Tinawag na 'COVIDSafe,' ang pag-register ng app ay optional pero hinihikayat ng mga health officials ang marami dahil malaki ang maitutulong nito para mapabilis ang pagproseso ng contact-tracing, gayundin, madaling mada-diagnosed at magagamot agad ang tinamaan ng coronavirus.

Ginagamitan ito ng Bluetooth technology, kung saan magla-log ang app sa tuwing ang isang user ay mapapalapit ng 1.5 meters (4.9 feet) sa ibang tao. Sakali man na ang mismong app user ay magpositibo sa test sa coronavirus, maa-access agad mula sa mga logs ang kailan lang niya nakasalamuha at lahat na nagkaroon ng close contact sa kanya sa nakalipas na 15 minuto ay ino-notify.

Lahat ng encrypted data na na-record ng naturang app ay gagamitin lamang ng mga health officials sa sinumang ma-test ng positive sa covid-19.

Ayon din sa Australian government, agad na ide-delete ang record kapag natapos na ang pandemic. Subalit, humihiling ang mga privacy advocates ng higit na proteksiyon, kasama dito ang legislation na may malinaw na estado, kung saan ang mga data ay hindi gagamitin ng law enforcement.

Kahapon, matapos ipalabas ang app, si Australian Health Minister Greg Hunt na nag-tweet ay sinabing na-download na ito ng 1 milyong katao na kumakatawan halos sa apat na porsiyento ng populasyon ng bansa.

Gayundin, sabi ni Prime Minister Scott Morrison, kapag maraming mamamayan doon ang mag-sign up ng app, pag-iisipan ng gobyerno na i-lift na ang ilang lockdown restrictions. Subalit, para epektibo itong maisagawa, kinakailangang 40 porsiyento ng populasyon ng naturang bansa ang makapag-download nito.

Samantala, ang Australian app ay modeled na katulad ng teknolohiyang ginagamit sa Singapore.

Gumagamit din ang United Arab Emirates ng Bluetooth upang i-record ang pakikipag-ugnayan ng mga tao at para alamin ang mga suspected cases, habang ang app na inilabas ng Israel’s health ministry ay nata-track ang location data ng user nito upang malaman kung sila ay malapit sa infected ng coronavirus.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page