top of page
Search

Julie Anne, todo-buyangyang na dumami lang ang fans

Erlinda Rapadas

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Pacquiao, pinaiyak ni Martin

Natiyempuhan naming mapanood sa Instagram ang interview ni Martin Nievera kay Sen. Manny Pacquiao habang nasa bahay lang dahil sa lockdown.

Kinumusta muna ni Madman si Pacman kung anu-ano ang pinagkakaabalahan ngayong naka-quarantine siya kasama ang kanyang misis na si Jinkee at ang kanilang mga anak.

Hindi ikinahihiyang aminin ng Pambansang Kamao na join din siya sa TikTok challenge dahil sa request ng anak niyang si Princess. At dahil likas na mahilig kumanta si Pacman at ang kanyang pamilya, nagbi-videoke rin sila!

Nabanggit din ni Sen. Manny na paborito niya ang ilang kanta ni Martin Nievera.

Nang hingan naman ni Martin ng mensahe ang People's Champ para sa mga kababayan nating nakakaranas ngayon ng kahirapan dahil sa COVID-19 pandemic, naging emosyonal si Pacman at hindi niya napigilang maiyak.

Awang-awa siya sa mahihirap nating kababayan at gusto niyang tulungan ang mga nagugutom at nawalan ng trabaho. Dumaan din kasi noon sa hirap si Pacquiao at alam niya na mahirap maging mahirap.

♥♥♥

Iza, atras pang mag-donate ng dugo sa COVID patients kahit survivor na

Nang gumaling at naka-survive si Iza Calzado sa COVID-19, sinabi niyang willing siyang mag-donate ng kanyang dugo para sa mga COVID patients na malala na ang kalagayan.

Ginawa na ito ng documentarist ng GMA-7 na si Howie Severino, ganu'n din ni Sen. Miguel Zubiri.

May mga COVID patients na nakaka-recover at gumagaling nang salinan ng dugo (plasma) ng mga COVID survivors. Tried and tested na ito ng mga doktor.

Kaya naman, inabangan at nag-expect ang marami na magdo-donate si Iza ng kanyang dugo. Pero ayon na rin sa morenang aktres, hindi pa niya kakayaning mag-donate ngayon dahil bumabawi pa siya ng lakas at hindi pa totally fit. Kailangan pang bumawi siya ng lakas upang manumbalik ang dati niyang energy.

Hindi biro ang pinagdaanang hirap ni Iza Calzado nang ma-confine siya sa ospital nang almost two weeks. Isang malaking himala na nakaligtas siya sa COVID-19. Todo ang pasasalamat ni Iza sa mga doktor, nurse atbp. na ginawa ang lahat upang siya ay mailigtas.

♥♥♥

Julie Anne, todo-buyangyang na dumami lang ang fans

Kung hindi sana sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ), natuloy na ang plano ng Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose na magpa-pictorial nang sexy para sa kanyang summer look.

Last year, nagpasilip na si Julie Anne ng kanyang beach body pictorial na nakasuot ng two-piece. Maraming napa-wow sa pasabog na ginawa ng Asia's Pop Diva. Marami siyang ginulat dahil ang kilala nilang Julie Anne ay medyo may pagka-conservative dati.

Pero, maraming fans ang natuwa at aprubado sa kanila ang ginawang pagpapa-sexy ng kanilang idolo. Besides, may katawan naman itong puwedeng ipagmalaki at i-display, na hindi naman masagwang tingnan.

Pero, may ilang netizens ang nagsasabing hindi naman sexy star ang image ni Julie Anne San Jose. Isa siyang singer-performer-actress. Hindi niya kailangang baguhin ang image niya upang magustuhan ng publiko.

Well, kung magsisilbi namang inspirasyon kay Julie Anne ang kanyang pagkakaroon ng sexy figure upang makalikha ng bagong awitin tulad ng bago niyang single na Better na trending na sa music charts (No. 1 ito sa iTunes PH at sa Spotify New Music), why not, 'di ba?

♥♥♥

Kasal ni Arny Ross, apektado ng COVID-19

Bago pa nanalanta ang COVID-19 sa 'Pinas, nalaman na namin na hindi tuloy ang target wedding date ng Kapuso star na si Arny Ross sa kanyang boyfriend na dapat ay sa June na gaganapin.

Masyado raw hectic ang schedule ng kanilang wedding planner at gahol sa panahon kung itutuloy sa June. Eh, pumasok pa ang COVID-19 noong Marso na nauwi sa pagla-lockdown ng buong Luzon. So, hindi rin maihahabol kung sa December, 2020 na nila itutuloy ang pagpapakasal.

At wrong timing din kung magpapakasal si Arny at ang kanyang nobyong si Franklin Banogon. Ang itinayo nilang milk tea business ay naapektuhan din ng lockdown kaya ito muna ang kanilang aasikasuhin bago ang kasal.

Namigay din sila ng milk tea sa mga frontliners na naka-assign sa mga checkpoints sa Cavite.

Sa gitna ng mga problema at krisis na pinagdaraanan ngayon ng mga Pinoy dahil sa COVID-19, positibo pa rin ang outlook sa buhay ng isa sa Bubble Gang cast na si Arny Ross.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page