top of page
Search
Mylene Alfonso

IT student, arestado sa pagnanakaw ng pera sa mga bank accounts


Timbog ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) ang 19- anyos na hacker na sinasabing utak sa pagnanakaw ng pera sa mga bank accounts sa pamamagitan ng mga spam messages gamit sa kanyang phishing activities.

Kinilala ni Atty. Vic Lorenzo, ng NBI Cybercrime Division chief, ang suspek na si Justin Claveria, isang Information Technology student.

Sinabi ni Lorenzo na hindi ordinaryong hacker si Claveria kundi gumagawa rin ito ng tools na magagamit ng iba pang cyber thieves sa kanilang pagnanakaw online kaya itinuturing siyang mastermind sa grupo ng hackers na nakakakuha ng sensitibong banking information at iba pang data sa mga kliyente para manakaw ang kanilang pera.

Aniya, inamin ni Claveria na may dalawang taon na siyang sangkot sa kriminal na aktibidad at ang perang nananakaw niya ay ipinambili ng sasakyan at property sa Batangas.

Nabatid na nakita ng NBI sa cellphone ni Claveria ang mga spam messages na ginagamit niya sa kanyang phishing activities.

Ang mga messages na ginagamit ni Claveria ay parehas ng ginagamit sa opisyal na website ng mga banko.

“Out of curiosity po at pangangailangan na rin po kasi po ‘di na ako nakakahingi ng suporta sa magulang ko kaya parang gumawa ako ng way para mapag-aral ‘yung sarili ko,” sabi naman ni Claveria.

Sinabi ni NBI Director Eric Distor na dapat mabulok sa bilangguan si Claveria dahil sa kanyang ginawa.

1 comment

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page