![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_e3456562efe2493fa04f83381e919c7a~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2551ae_e3456562efe2493fa04f83381e919c7a~mv2.jpg)
Makatatanggap ng pasadong grado ang mga estudyante ng Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) para sa second semester/trimester ng School Year 2019-2020 bunsod ng
enhanced community quarantine (ECQ).
Batay sa inilabas na Memorandum No. 2020-0421-01, ito ang inaprubahan ng Board of Regents ang Alternative Grading System matapos ang isinagawang special meeting noong April 21.
“The grading system will give a grade of ‘P’ (Passing) mark to all PLM students enrolled in the said semester. This grade will not be used to compute a student’s general weighted average, retention or scholarships,” sabi ni PLM President Emmanuel Leyco sa kanyang Facebook post.
Ipinunto ni Leyco na bibigyan pa ng isang taon ang mga graduate students para tapusin ang kanilang thesis at hindi na ito dadaan sa panel.
Nakatakdang magtapos sa May 23 ang academic calendar ngayong taon.
Samantala, sinabi pa ni Leyco na pag-aaralan ng PLM management at faculty ang opsyon na gamitin ang “virtual, blended and in-class modes" sa PLM.