top of page
Search
Madel Moratillo​

50 empleyado ng Mandaluyong City Medical Center, positive sa COVID-19


Lilimitahan na ng Mandaluyong City Medical Center ang pagtanggap ng mga pasyente matapos magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 ang kanilang 50 empleyado.

Sa isang statement na pirmado ng kanilang Medical Director na si Dr Zaldy Carpeso, nakasaad na may tatlong buwan na ang laban sa covid-19 pandemic at isa sila sa may maraming pasyenteng may sakit na ito.

Hindi maiiwasang maging ang mga doktor, nurse at iba pang empleyado ng ospital ay mahawa sa virus.

Kaugnay nito, sinabi ng Mandaluyong City Medical Center na mga pasyente na kritikal at emergency cases lamang muna ang kanilang tatanggapin sa loob lamang naman umano ng 30 araw.

Ito ay upang mabigyan ng panahon ang kanilang mga tauhan na makapagpagaling at makapag-disinfect ng kanilang pasilidad.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page