top of page
Search
Lolet Abania

Babala ng experts... COVID-19, may masamang epekto sa mental health

Mahigit isang buwan na ang nakararaan nang magulantang ang lahat sa hindi inaasahang krisis na nararanasan ng buong mundo, ang pandemic na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Napupuno ng takot at pag-aalala ang mundo na maaaring isang araw ay tamaan ng nakamamatay na sakit na ito at habang nakatuon ang mga doktor, mga eksperto at siyentipiko sa paghahanap ng solusyon, nakalilimutan ng karamihan na hindi lamang dapat pagkakaroon ng mabuting kalusugan, kinakailangan din ng may malusog na kaisipan.

Narito ang ginawang pag-aaral sa kaugnayan nito sa ating mental health:

1. Kaunting kaalaman. Karamihan sa atin ay kaunti lamang ang nalalaman tungkol sa malaking epekto ng covid-19 sa nervous system lalo na sa utak natin. Kapag tinamaan ng virus, agad na manghihina ang ating immune system, kasunod nito, maaaring ma-infect ang ating utak na makapipinsala sa brain para hindi mag-function nang normal. Napupuno tayo ng anxiety, takot, stress at higit sa lahat, depresyon.

2. Negatibong epekto. Natural na mayroong negatibong nangyayari at malaki ang epekto nito sa ating pag-iisip. Halimbawa nito ay ang kawalan natin ng pag-asa, natatakot tayong magutom dahil ang hanapbuhay ay apektado, nag-aalala na baka mahawa sa sakit at maaaring mamatay at marami pang iba. Sa halip na ito ang isipin, ibaling natin sa magagandang bagay ang ating isipan tulad ng pagbabasa, pag-eehersisyo, pagre-relax, puwede ring makipaglaro ng video games.

3. Magkaroon ng solusyon. Sakaling nakararamdam ng sintomas ng virus, sabihin agad sa mga kasama sa bahay. Mas mabuting ipaalam sa kanila ito upang masolusyunan ang problema, gayundin, huwag mong hayaan na mag-isang lutasin ito. Hindi nakabubuti sa mental health natin ang pagsosolo ng nararamdaman dahil kinakailangan ng doktor at eksperto dahil sila ang mas nakaaalam ng dapat gawin para rito.

4. Gawin na agad. Kung nakararanas na ng matinding sakit, siguradong bumaba na rin ang kapasidad na makapag-iisip nnag normal at tama. Mabuting pumunta agad sa pinakamalapit na ospital para mabigyan ng paunang lunas dahil malaki ang maitutulong nila sa iyong physical at mental health. Marami kang makakausap na magpapalakas hindi lang ng katawan kundi pati na rin isipan upang malabanan ang virus at makasurvive.

Hindi madali ang pinagdaraanan ng maysakit ng covid-19. Malaking parte ng kanilang utak at pag-iisip ang nagsasabi kung paano nila lalabanan ang sakit. Huwag nating hayaan na matalo sila ng virus, sa halip ay tulungan natin sila. Iwasan nating i-discriminate o layuan ang mga infected at pamilya nito dahil magagawa lamang nating palalain ang kanilang kondisyon. Tandaan, kapag may malusog na pangangatawan, may malusog din na isipan. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page