Ivana at DJ Loonyo, buking na matagal na
- Ronalyn Seminiano Reonico
- Apr 19, 2020
- 3 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends
Agot, tinawag na baog, laos at bobo dahil sa banat kay P-DU30
After ikumpara ng mga netizens si Agot Isidro sa dating komedyante na si Palito ay hindi pa rin natapos ang pamba-bash nila rito dahil sa mga banat nito sa gobyerno.
Kamakailan ay pinagpiyestahan ng mga netizens ang piktyur ni Agot kung saan idinrowing siya ng isang netizen na inihawig kay Palito.
Tweet ni Agot, “Dear DDS, if you think I am offended by this, I am not. Palito is a legend. I am quite honored, actually. So thank you for this. But please, take your pea-brains out of my TL, because I am blocking you. My TL, my rules.”
Umani ng 1.1K Retweets at 24.5K Likes ang naturang post ni Agot at grabe ang sandamakmak na negative comments ng mga netizens.
Anila: “Ang sarap ng feeling during this time we are with our loved ones and I pitty this woman @agot_isidro with no husband and no child. God must have seen the cruelty of your heart, because the abundance of the heart the mouth speak it.”
“‘Di raw offended pero mangba-block.”
“Mas may utak naman si Palito.”
Samantala, sinagot ni Agot ang post ng isang netizen na “Duwag ka pala, eh, if you are really true to your ‘Fight Me’ then why block people opposing or ‘fighting’ you. Purol din talaga.”
Ang “Fight me” na tinutukoy ng netizen ay ang post din ni Agot na “The COVID-19 pandemic brought out so much shit from this government.
“There I said. Fight me.”
Aniya, “Sweetie, kung ang concept ninyo ng ‘fight me’ ay paulanan ako ng mga salitang baog, laos, bobo, dilawan, mas marunong ka pa, ano’ng ambag mo, tumulong ka na lang, dengvaxia, Yolanda, mamatay ka na lang… Ang tawag sa inyo ay troll.”
♥♥♥
Ivana at DJ Loonyo, buking na matagal na

Kilig to the max naman ang mga fans ng IvanYo (Ivana Alawi at DJ Loonyo) dahil sa recent tweet ng sexy actress.
Ipinost ni Ivana ang screenshot ng conversation nila ni Rhemuel Lunio, DJ Loonyo dated September 15, 2015.
Nalaman tuloy ng mga netizens na noon pa man ay may communication na pala ang dalawa at kilig na kilig pa ang mga fans nila dahil matagal na rin palang may pahaging si DJ Loonyo kay Ivana.
Parte pa ng conversation nila, sey ni DJ Loonyo: “Keep smiling Mariam! Gumaganda ka lalo ‘pag ganyan.”
Caption naman ni Ivana sa screenshot: “Found this convo from 5 years ago. Ano ‘to @DJLOOYO2. Syet kuya.”
As of this writing ay umabot na kaagad sa 1.6K Retweets at 21.5K Likes ang post ni Ivana. Ganyan katindi ang mga shippers nilang dalawa, devah!
Nakakaloka pa ang mga komento ng mga netizens.
Anila: “Totohanin na kasi lahat!!!!”
“Gusto ko ng latest, ayaw namin ng past!”
“Sa lahat ng laglagan, ito ‘yung pinaka-BET ko.. jusmeeee… sulit na sulit ang Sunday!!!”
“Syet Mariam, 5 years ago pa pala kayo nagko-commu ni @DJLOONYO2, ano? Ito ang meant to be!”
♥♥♥
Nakakaloka ang sweet message ni Alex Gonzaga sa fiancé niyang si Mikee Morada. Imbes kasi na masentro sa sweetness ng magkasintahan ang Instagram post ni Alex ay mas inabangan pa ng mga netizens ang mga banat ni Luis Manzano sa kuwelang aktres.
We all know naman na palaging may hanash at pambabara si Luis kay Alex na talagang nakakasakit ng tiyan dahil sa lakas ng sense of humor nito.
Ipinost ni Alex ang series of photos nila ni Mikee na ipinapakita ang singsing niya. Caption ni Alex: “This was the morning after Mikee proposed to me. For 2 days he ate breakfast alone or with Uncle because I was still asleep with my mom. But of course after niyang mag-propose, ako pa ang gumising sa kanya para manggulo sa breakfast niya. Happy birthday Mikee! Thank you for not demanding anything from me and yet you always give me what I want. Thank you for making me feel what it really is to be in a relationship! You will always be my first and by God’s grace last true LOVE.”
As of this writing ay tanging 2 heart emojis lang ang komento ni Luis.
Komento tuloy ng mga netizens: “Uy, heart lang ang comment mo ngayon? Haha. (Always waiting for your comment sa post ni AG, haha!)”
“Ba’t heart lang? Hahahaha.”
“Milagro, hahaha!”
“Kuya Luis, ‘di ka kontrabida ngayon, ah.”
‘Kaloka sila. Anyway, nasa Lipa, Batangas kasi ngayon si Mikee kaya sa comment niya, sey ni Alex ay nami-miss na niya ang kanyang fiancé.
Comentários