Isang pambatang libro ang naisulat base sa istorya ng yumaong doktor na si Dr. Li Wenliang, na siyang nagpaingay tungkol sa coronavirus sa China bago siya namatay sa sakit ding iyon.
Pinamagatan ang aklat na “Dr. Li and the crown-wearing virus”, na isinulat ni Francesca Cavallo, best-selling author ng New York Times at kilalang co-creator ng seryeng “Goodnight Stories for Rebel Girls.”
Ayon kay Cavallo, isinulat niya ang libro sa pag-asang ito ay makapagtuturo sa mga bata tungkol sa novel coronavirus, kung saan umabot na sa 2 million katao ang infected at tinatayang 129,045 ang namatay sa buong mundo, base sa data ng John Hopkins University.
“There’s a lot of uncertainty and concern. I feel this myself and I don’t even have children,” sabi ni Cavallo. “I hope (the book) can provide families with an opportunity to have open communication about what is happening.”
Ginawa ring ‘downloadable for free’, ang libro ni Dr. Li, na sabi ni Cavallo ay, “a very good doctor in China.” Labis na humanga ang author sa buhay ni Dr. Li na kinilala ng lahat na isang bayani dahil sa pagiging whistleblower sa coronavirus bago pa kumalat nang husto, na ngayon ay global pandemic na.
Nais rin ni Cavallo na magbigay liwanag sa lahat ang istorya ni Li dahil ayon sa kanya siya ay “a symbol of the importance of listening to scientists.”
Mababasa ang libro na may iba’t ibang lengguwahe tulad ng English, Italian, Spanish at German, at marami na rin ang nakapag-download nito para magkaroon ng kopya, sabi ng author.
“People from all around the world have reached out to me to translate it in a ton of languages,” ani Cavallo, na karamihan sa nakabasa ay napahanga sa author at nagnanais tumulong na i-translate ang libro sa Estonian, Uzbek, Russian, Arabic, Portuguese, Irish at Greek.
“I’m really floored by the response and by the fact that people want to feel united during this crisis,” sabi ni Cavallo.