![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_437eb13b60ac44b4ac93166ab5c6421d~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_437eb13b60ac44b4ac93166ab5c6421d~mv2.jpg)
Mabilis na kumalat sa social media ang headline na nagsasabing banned na sa Mindanao ang mga Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Maris Racal at Kim Chiu dahil sa pambabatikos nila kay Presidente Rodrigo Duterte.
Diumano, ang mga "citizens" ng Mindanao ang naghayag ng deklarasyong ito.
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_fe8e5856aa2347a28f3e31203c315132~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_fe8e5856aa2347a28f3e31203c315132~mv2.jpg)
Ayon pa sa headline na kumakalat sa social media, hindi raw nila binigyang-respeto si P-Duterte na tubong-Davao City na bahagi ng Mindanao.
Bukod kina Angelica, Kim at Maris, sabi rin sa hilera ng mga celebrities na banned diumano sa Mindanao ay sina Agot Isidro at Gab Valenciano.
Matatandaang inulan ng bashers si Kim sa kanyang social media accounts pagkatapos maakusahan na bina-bash daw niya si P-Duterte.
"I never bashed the President. Please know everything muna bago kayo mam-bash dito sa page ko!
And PLEASE! PLEASE! STOP THE HATE," post ni Kim.
Nag-ugat ang pamba-bash kay Kim pagakatapos niyang mag-react sa NBI investigation kay Pasig City Mayor Vico Sotto at sa comment niya sa mga nahuling nagra-rally sa Sitio San Roque sa Kyusi.
Pagkatapos ay idinawit na si Kim sa pagpapatalsik daw kay P-Duterte.
Sey naman ni Kim, "'Di ko nga alam ibig sabihin ng oust post na 'yan, eh."
Si Angelica naman ay humingi ng sorry sa taumbayan sa ginawa niyang pag-eendorso kay P-Duterte during the national election nu'ng 2016.
Tulad nina Kim at Angelica, nag-post din si Maris ng kanyang damdamin sa nangyayari sa bansa.
May nabasa pa kami sa social media na may bantang babatuhin daw ng durian si Maris sa kanyang mall show sa Gaisano Grand Citygate sa June 30.
Aware kaya ang mga Kapamilya stars sa balitang banned sila sa Mindanao? Pero teka, sa pagkakaalam namin, noon pa man ay 'di na talaga pinapayagan ng Star Magic (talent management ng mga nabanggit na Kapamilya stars) ang mga artista nila na mag-perform sa Mindanao.
If this is true, 'di naman problema kina Kim, Angelica at Maris kahit i-ban pa sila sa Mindanao.
***
Boy, nagpaalala ng kahalagahan ng pagsusuot ng mask
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_c4a5fc7627604d809e40debf058e6b98~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_c4a5fc7627604d809e40debf058e6b98~mv2.jpg)
AFTER a few weeks, muling nag-post ng video ang host ng Tonight with Boy Abunda at tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang social media account.
Napanood namin sa kanyang Facebook page ang video niya. At kalakip ng video ay may pa-shoutout pa si Kuya Boy.
Post niya sa kanyang FB page, "Gawin nating mas ligtas ang Pilipinas at ang ating mga pamilya! Mas okey ang naka-mask!"
Sa kanyang video ay makikita si Kuya Boy na nagsasalita sa kanyang bahay. Katatapos lang daw niyang mag-jogging sa loob ng kanyang garahe. Paikut-ikot lang daw siya. Pinagpapawisan, pero
masaya.
"Dito po sa aming tahanan, may tatlong 'S' po kami. Sagana sa dasal. Sagana sa pagmamahal. At sagana sa kuwentuhan," pahayag ni Kuya Boy.
At the same time, tinitiyak din daw nila na sinusunod nila ang apat na mahahalagang 'S' ngayong enhanced community quarantine.
"Ano ho ba ang apat na S na 'to? Una, Stay at home. Pangalawa ay Social distancing.
Pangatlo, Sabunin ang kamay. Pang-apat ay Suotin ang mask."
Kasunod nito ay nanawagan si Kuya Boy sa ating mga kababayan.
Aniya, "Mga Kapamilya, ang sa akin lamang, kung wala rin lamang mahahalagang gagawin sa labas, stay at home. Please, stay at home. Pero kung kinakailangang lumabas dahil kailangang bumili ng gamot, o 'di kaya ay pagkain o kinakailangang lumabas dahil ika'y nagtatrabaho, please, don't forget to wear a mask."
Inulit ni Kuya Boy ang kanyang panawagan sa publiko.
Aniya, "Mga Kapamilya, stay safe. Stay healthy. Stay at home. Protect yourself. Protect your family.
Protect the community. Kung kinakailangang lumabas, wear a mask."
Hiniling din ni Kuya Boy sa kanyang mga followers na ilagay sa comment section ng kanyang page kung paano nila nalalampasan o paano sila nakakaraos sa ating kasalukuyang sitwasyon. Nais malaman ni Kuya Boy ang kanilang mga kuwento.
"Abundance, this is all for now. Now more than ever we need to be kind with each other. God bless.
Till the next video. This is Boy Abunda at home," pagtatapos niya.