top of page
Search

Mababangis na hayop gumagala na sa iba’t ibang siyudad sa mga bansa

Lolet Abania​

Sa loob ng daang taon, inilagay ng mga tao ang mga wildlife sa maliit na bahagi lamang ng mundo at hinayaan na mamuhay sila roon.

Subalit ngayon, dahil sa maraming lugar sa mga bansa na nasa isolation at lockdown, walang makikitang tao sa mga kalsada at ang mga siyudad nito ay nagmimistulang ghost town, kaya pilit na bumabalik ang dating kalikasan sa kanyang pinagmulan.

Kamakailan, may paikut-ikot sa mga kalye ng Barcelona na mga wild boar o baboy ramo. Ang mga mountain goat o mababangis na kambing ay namamasyal sa kalye ng Llandudno, Wales. Palakad-pakad naman ang mga buffalo sa highway ng India. Gayundin, ang mga endangered sea turtles ay naglimlim sa kanilang itlog sa Brazilian beach. Namataan din ang isang whale sa Mediterranean coast ng France at nakitang natutulog sa taas ng puno ang isang mountain lion sa Boulder, Colorado.

Sa tindi ng nararanasan ng mga tao, maging ng mga hayop, ibinabagay na lamang ng magkaibang mundo ang pagbabagong ito kahit na ang kinalalabasan ay pagpapalit ng kanilang tirahan.

“The whole world is under risk,” sabi ni environmentalist Herbert Andrade. “But this was a moment of happiness. It was a feeling that nature was transforming itself.”

Lubhang nakakagulat, na sa una ay aakalaing fake news pero para kay Andrew Stuart, residente ng Llandudno, Wales, “That goats absolutely love it.” Nang makita niyang namamasyal ang mga kambing sa kalye doon. “They keep coming back, multiple times per day, 10 to 15 of them. They’re taking the town back. It’s now theirs. Nothing is stopping them.”

Gayundin, isang kahanga-hangang karanasan na makita sa itaas ng puno ang natutulog na mountain lion. “I’ve lived in Boulder for 30 years, and I’ve never seen a mountain lion before,” sabi ni Bruce Borowsky, isang videographer sa Boulder, Colorado. “And I’m a filmmaker and am outdoors constantly. Animals are sensing that people aren’t around much and are coming out more.”

Gayunman, habang nananatiling nasa loob ng kani-kanilang tahanan, magiging ligtas pa rin ang lahat sa anumang banta, kahit pa madagdagan ng mababangis na hayop sa iba’t ibang lugar.

 
 

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page